Chapter 2

6.5K 141 10
                                    

"Sa Australia ang competition?!" I was surprised by the news I just read. Napatingin naman sa akin sila Jamie at Raylee na ang gaganda ng pag-upo sa sofa.

"Really? Sino nagsabi?" Jamie asked, lumapit ako sa kanila at ipinakita ang message ng dance choreographer namin sa group chat.

It's been a 2 months since nagpapractice kami and we never thought na sa ibang bansa kami lalaban, akala kasi namin inside the Philippines lang ang competition because that's what our choreographer told us. Siguro biglang nagbago.

"Wow ang lupet makakapunta na tayo sa Australia" Jamie. Napatingin naman sa kanya si Raylee kahit nagbabasa ito ng magazine

"Ilang beses na ako nakapunta doon" Raylee said.

"Edi wow, ikaw na mayaman, ikaw na nakapunta doon" sagot ni Jamie and then she rolled her eyes again. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Ganyan talaga yan sila, si Jamie kasi pikon kaya masarap pagtripan.

The news told us that our competition is on May 22 bale next week pupunta na kami sa Australia. So exciting.

"Danielle how's the practice? Hindi ko pa kasi nakakausap ang dance choreographer nyo pero nasabi na nya sa akin ang flight nyo" sabi ni papa habang sabay kaming kumakain

"Okay naman, Pa. Excited na kami halos lahat sa flight for Australia. Kailan ba ang flight?" I asked

"Day after tomorrow. Ako kasi ang maghahatid sa inyo" Pagsagot ni kuya Erin. Oh shit, I forgot isa nga palang pilot ang kuya namin at sa mga international countries sya nagpupunta

"Edi libre na ako kuya?" I asked

"Pwede na din?" He said laughing. I rolled my eyes on him "Basta sila Jamie don't tell them na ako ang magdadrive baka magpalibre na naman, hayaan mo na sila" he added

"Grabe talaga toh si kuya Erin" sabi ni kuya Stephen

"Biro lang"

"Don't worry wala namang dapat ikabahala. Ang AU ang sasagot ng flights and other expenses nyo pero yung mga pamamasyal nyo doon kayo na ang bahala nun" papa answered kaya napangiti ako.

Napatingin naman ako kay kuya Erin na nagtaas baba ang kilay habang nakatingin sa akin.

So I did the same thing, I rolled my eyes for the second time.

Ganito lang talaga kaming magkakapatid. Nag-aasaran paminsan minsan pero hindi kami nag-aaway unlike nung mga bata pa kami halos araw araw palagi kasi nila ako pinagtitripan because I don't know how to play basketball. Syempre naman babae pa ako nun kaya siguro nagkakagusto ako sa mga babae ngayon ay dahil sa effect nila.

Joke lang. Di naman sa ganun, it's about sa kung kanino titibok ang puso ko and unexpectedly sa isang babae which is si Amira.

She's my first love and my first heartbreak. Iniintindi ko nalang.

"Nanay mamimiss ko luto mo kapag nasa Australia ako" sabi ko sa kanya habang sabay kaming naglilinis sa kitchen

"Bakit? Isang taon ka ba doon?" She asked

"Hindi pero mamimiss ko parin palagi kaya kitang namimiss"

"Ang corny mo Danielle" Natatawang sabi nya, nagulat naman ako na may nalalaman syang mga ganung salita kaya natawa nalang din ako. "Sasabihin mo pa palagi mo ako namimiss, eh gusto mo na nga magbukod pag nagcollege ka na"

"Eh syempre nay, hindi habang buhay nakadepende ako kay papa plano ko na nga din magtayo ng business kaso wala pa akong maisip. Don't worry doon nalang din kita papatirahin para may magluluto sa akin palagi"

Book 1: Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon