Chapter 6

3.2K 87 14
                                    

Althea Monterno

"Shit..." Pabulong kong sabi matapos masiraan ang sasakyang sinasakyan ko. Malelate na nga ako sa first day of school namin sa Alejandro University, bago pa man din ako. Nako naman.

"Ma'am sorry mahina na talaga yung makina eh, hanap ka nalang ng ibang sasakyan," sabi sa akin ng driver, wala naman akong magawa kundi mapilitang sumakay sa ibang sasakyan pero kapag minamalas ka nga naman walang masasakyan.

Bakit ba kasi ang layo ng tinitirhan ko sa pag-aaralan ko hindi ko nalang naisip na kumuha ng dormitory para malapit. Haggard naman pala ang dating ko.

Dahil sa walang fx na pwedeng masakyan napilitan akong sumakay sa lata ng sardinas or what we call train. Sana naman hindi ito tumirik or else di nalang ako mag-aaral. Charot!

9:45 na ako nakarating sa university, "Hi? San po ba ang registration office dito?" Tanong ko sa guard bago ako pumasok dahil kukuha pa ako ng schedule ko. Kumuha ako ng business administration course, well I'm still a human with a dream

Sinamahan ako ng guard, napapansin kong hindi pa nagstart ang class dahil pakalat kalat pa ang mga students sa hallway pinagtitinginan din nila ako. Ganun na ba ako kahaggard? Yung iba kasi makatingin simula ulo hanggang paa.

Nung nakarating na ako sa registration office, unang tanong kaagad sa akin ng babae is, "Bakit ganyan ka kahaggard? Akala mo malelate ka na?" Tanong nya sa akin, natatawa nalang naman akong napatango

"Hindi ka pa late ang aga mo nga eh, mamaya pang 1pm ang class mo for today dahil orientation palang naman. Ito yung nakalagay sa sched mo" The girl told me and sa isip isip ko gusto ko nang sabunutan ang sarili ko at humiga sa sahig dahil sa itsura ko tingin that I'm already late for my class.

Binasa ko ang schedule ko pag kuha ko sa babae. Every Monday, Wednesday, Friday 1pm ang start ng class ko hanggang 5pm and palipat lipat ako ng room. Tuesday and Thursday naman, maaga ang class ko 7am to 12nn and iisa lang ang room na gagamitin teacher na ang lilipat.

:Hello?

Sagot ko nung may tumawag sa phone ko.

:Asan kana? 

Si kuya

:Andito na ako sa university mamayang 1pm pa start ng class ko nagmamadali pa naman ako

:Pano na yan? Ang layo pa naman ng bahay

:Kaya nga eh magstay nalang siguro ako ngayon dito sa university hanggang mag 1

:Hindi nakakabagot yun, pumunta ka nalang kay kuya Stephen mo

:Ano namang gagawin ko dun?

:Wala lang sasabihan ko sya para naman doon ka nalang muna sa kanya

:Okaaay

End call.

Hindi na ako nakipagtalo kay kuya Liam kasi kahit sabihin kong wag nalang gagawin nya parin ang gusto nya.

Ever since protective na sa akin si kuya, naiintindihan ko naman dahil ayon ang hiling nila mama. Hindi ko man lang sila nakasama ng medyo matagal dahil bata pa ako nung, I think I was five years old that time, wala pa akong muwang nung time na yun kaya hindi ko na maalala ang ibang pangyayari na kasama ko sila.

Tanging si kuya lang ang naalala ko.

Maya maya pa ay dumating na si kuya Stephen with his blue car. Maliwanag ang ngiti nya pagkalabas nya ng sasakyan nya.

"how's your new school?" He asked

"Okay naman kuya pero mamaya pa ang class ko kaya hindi ko pa nakikita ang mga magiging kablockmates ko"

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now