Chapter 24

1.7K 43 0
                                    

Althea's POV

"Bakit ang saya mo?" Tanong sa akin ni Kristine habang magkausap kami sa skype.

"Hmm... kami na kasi ni Danielle eh," kinikilig na sabi ko sa kanya. Natuwa naman sya sa sinabi ko at nagsabing stay strong. "Ikaw, wala ka bang aaminin sa akin ha?" Bigla kong tanong sa kanya na ikinasimangot nya,

"Lahat kaya sinasabi ko sayo."

"No, you don't. May nalaman kaya ako tungkol sayo," Sagot ko sa kanya.  

"Ha? Ano naman yon?"

"Hindi mo sinasabi sa akin na liniligawan ka pala ni Jamie ah," natatawang sabi ko at napatakip naman sya ng mukha nya dahil sa kahihiyan.

"Bakit kilala mo yon? Feeling close ba sayo?"

"Best friend ni Danielle yon malamang makikilala ko talaga," 

Natawa naman sya sa sinagot ko. Sinabihan ko lang din sya na wag syang mag-aalala dahil tanggap ko naman sya kahit ano pa sya. Magpinsan kaya kami.

"Sa totoo nga, nagugustuhan ko na din si Jamie pero wala pa sa balak ko ang sagutin sya. Saka na kapag ready na ako," she answered at napatango naman ako.


After naming mag-usap ni Kristine, humiga na ako dahil inaantok na ako pero di ko namang makalimutan ang magtext kay Danielle ng goodnight at I love you.

Grabe yung kilig ko nung nagreply sya. 

Naalala ko tuloy nung time na hinalikan nya ako kanina sa sasakyan nya, as in nadala ako sa lips nya kaya hindi ko na nagawang labanan sya. Akala ko din susuko sya kapag nakita nya si Amira eh, talagang nag-usap pa sa loob ng office nila, kala ko may kababalaghan nang mangyayari eh

Charot!

Nagpunta ako sa café nya dahil dinala ako doon ni Jamie, sinabi ni Jamie na mag-usap kami ni Danielle pero pareho kaming mali ang akala dahil wala pala doon si Danielle.

Tapos nung pumasok ako sa office ni Danielle, nagulat ako nung nakaupo sa swivel chair ni Danielle ang nagpakilalang Amira. Uunahan ko sana yon si Amira na umamin kay Danielle ng nararamdaman ko dahil syempre di ko hahayaang mawala yung babaeng mahal ko noh. 

Pero nawala lahat yon nung nakita ko si Amira lalo na nung sinabi pa nyang nag-aantay sya kay Danielle dahil may kailangan syang sabihin.

Anyway, tapos na yon, kalimutan na natin yon dahil finally kami na ni Danielle.


Kinabukasan, sinundo na naman ako ni Danielle sa bahay namin para sabay kaming papasok. Pagkasakay namin sa sasakyan, napansin ko kaagad ang left hand nyang nakabalot.

"Anong nangyari sayo?" I asked.

"Wala naman, tumama lang dahil sa sobrang kilig kapag naiisip ko na tayo na," nakangiting sabi nya.

Napangiti nalang ako sa sinabi nya saka tumango. 

Pagkarating namin sa school, magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa room namin kaya pinagtitinginan kami ng mga classmates namin.

Di ko nalang sila pinapansin.

Nakita ko din si Victoria nakaupo sa isang sulok na masama ulit ang tingin sa akin. Si Samantha naman grabe din makatingin.

"Hmm, parang may napapansin akong kakaiba ah," sabi nya sa amin habang nakasalung baba na nakatingin sa amin pagkaupo naming dalawa sa tabi ni Samantha.

Natawa naman si Danielle

"Sam," she called her at nung tumingin ito masayang inangat ang kamay naming dalawa na magkahawak. "Finally~" 

Book 1: Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon