Chapter 25

1.9K 48 1
                                    

Danielle's POV

After kong sabihin ang lahat ng nangyari kay Althea last month, nagyaya kaagad sya umuwi pero hindi sya nagpahatid sa bahay ng kuya nya.

Doon sya dumiretso sa bahay ko.

Chineck nya lahat ng gamit ko, nakatingin lang ako sa kanya 

Ang sexy nya talaga...

Medyo naasar ako sa sarili ko dahil nasa gitna na kami ng pagdududa sa nangyayari nagagawa ko paring mag-isip ng kalokohan.

"Danielle dapat humingi tayo ng tulong sa isang investigator," sabi ni Althea sa akin.

"No we can't." I answered. 

Napatingin naman sya ng seryoso sa akin.

"We can't trust anyone about this. Tayong dalawa lang ang makakatulong sa isa't isa. Malay mo malakas yung taong nakabunggo natin kaya nya ginagawa yun sa ating dalawa,"

Napatango naman sya at napaupo sa swivel chair ko sa maliit kong opisina sa bahay, lahat dito nakalagay ang mga gamit ko pati yung folder na ninakaw, napabuntong hininga si Althea kaya linapitan ko sya at hinimas ang likod nya para naman makaginhawa sya ng maayos.

"Wag mo masyadong isipin yun Althea, atleast buhay pa ako kailangan lang nating malaman ang mga nangyayari, sabay nating lalaban ang mga nangyayari," sabi ko sa kanya at tumango naman sya sa akin, nginitian ko naman sya para mas maging magaan ang atmosphere.

"Yung cctv nacheck mo na?" Tanong nya sa akin pagkatingala nya, napatingala din ako sa may cctv at naalala kong hindi ko pa pala nachecheck.

"Icheck natin," she said, buti nalang nakarecord ang lahat ng nangyayari dito sa pang-araw araw kaya nacheck pa namin ang nangyari that day.

Kitang kita namin kung paano hinalungkat ng magnanakaw ang mga drawer ko, hindi din nya tinaggal ang mask nya, aba mautak. Habang naghahanap sya, biglang tumunog ang phone nya dahil may tumawag.

"Ibalik mo," sabi ni Althea.

Nawala tuloy ang focus dahil pinabalik nya, tapos pinafocus nya sa phone at dahil malinaw nabasa namin na Liam ang nakasulat, napalunok naman ko at nagkatinginan kami ni Althea "sana hindi si kuya yun," she whispered.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Althea at muling plinay ang video. Nagsalita ang magnanakaw, kaboses ni kuya Erin, mas lalo akong kinabahan.

"Oo Liam, andito na ako hahanapin ko yung folder at dadalhin ko sayo." Sabi nung magnanakaw sa phone nya at nung nagend call na naghanap na naman sya pinause ko.

"Bakit mo hininto?" She asked

"Kaboses sya ni kuya Erin," sabi ko habang nakayuko.

Hinawakan ni Althea ang balikat ko at kinomfort ako.

"Danielle, maging open tayo dito, yung mga taong nakita natin sa video connect sa mga pangalang nasa buhay natin hindi naman sa pinaghihinalaan natin sila pero yun ang dapat nating gawin," she said

"So si kuya Erin at si Kuya Liam ang prime suspect natin ngayon?" tumango naman sya

"Next time sa bahay ka namin matulog tapos icheck mo yung gamit ni kuya ako ang bahala dahil alam ko ang mga oras na umaalis sya," sabi nya sa akin.


After naming mag-imbestiga ni Althea, naisipan muna naming magpalamig ng ulo dahil alam kong ang daming stress na dumaan after naming makita ang video. 

Kaboses ni kuya Erin, nung nakaharap ko din sya halos maging magkasingtangkad kami eh ganun si kuya Erin sa akin, si kuya Stephen naman ang pinakamaliit sa amin

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now