Chapter 16

1.8K 44 0
                                    

Althea's POV

"Aalis muna ako," Paalam sa akin ni Danielle nung nagdismiss na ang professor namin for lunch, tumango lang naman ako sa kanya. 

She told me that pupunta sya sa café dahil may kailangan syang asikasuhin doon. Ganun din naman si Samantha kaya nag-iisa nalang ako sa room dahil hindi ko naman close ang ibang kablockmates ko.

Si Rain kablock nadin namin ngayon pero doon sya naglalunch sa flower shop nya dahil binabantayan din nya ng mga workers nya. Irregular ang pasok ko doon dahil mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.

Minsan sinasabihan ako ni Danielle na wag na magtrabaho dahil wala namang kulang sa akin, ibibigay naman nya kung may kailangan ako pero nakakahiya kasi, gusto ko ding maranasan ang magtiyaga para makuha yung bagay na gusto ko dahil ganun ang turo sa akin ni Kuya Liam.

Pumunta ako sa canteen nang mag-isa at doon kumain. Nawala nalang ang pag-iisa ko nung umupo sa harap ko si Ken, "is this seat taken?" tanong nya sa akin at umiling lang naman ako dahil puno ang bibig ko. 

"Asan ka nung sembreak? Parang di kita nakikita ah." He said.

"Nasa Davao kami ni Danielle," I answered napatango naman sya.

"Ang weird na malapit ka kay Danielle, are you dating?" He asked napasimangot naman ako sabay tawa.

"Magkaibigan lang kami ni Danielle, nagkakilala kasi kami sa Australia kaya ayon,"

Tumango naman sya bago nagsalita ulit, "Naalala mo ba yung sinabi ko sayo na masama ugali sa room nyo? Actually, I'm talking about Danielle. Hindi mo ba napapansin ugali nya? Mayabang sya, pintasera at isa pa manyak."

"Wala naman akong nakikitang ganong sa kanya saka tahimik lang sya sa room namin, wala syang sinasabi about sa mga kablock namin na lumalabas na pintasera sya saka hindi sya manyak, nagalit nga sya nung binastos ako ng pinsan nya." I answered.

Natawa naman sya sa sinabi ko

"Nagpapakita tao lang yon sayo. Panigurado may balak syang gawin sayo kaya di sya pumapayag na may mas makauna sa kanya. Sila yan magpipinsan mga manyak, pinagpapraktisan pa nga nilang hipuan yung mannequin dati eh,"

"Dati yun." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Wag kang masyadong bulag kay Danielle, di mo pa sya kilala. Masyado mo syang pinagtatanggol, bahala ka, ikaw rin kawawa in the end." He said then pinagpatuloy na ang pagkain. 

Hindi nalang din ako nagsalita at tinapos ang pagkain ko

"Althea, sana naman hindi ka galit sa akin noh? Tinutulungan lang kita lalo na bago ka lang dito dapat kinikilala mo yung mga taong nasa paligid mo." He said.

Tumango lang naman ako sa kanya. Palabas na kami ng canteen pero nakasunod parin sya sa akin. "Mamayang 1:30 punta ka sa hall, may ibibigay at aaminin ako sayo." 

"Bakit di mo nalang sabihin ngayon baka mabusy ako pagpasok ko sa room," sabi ko sa kanya.

"Sige na please. Yung time na yun kasi wala nang tao masyado kaya free na tayong makakilos at walang makakagulo sa atin," sagot nya kaya pumayag nalang ako.

Nakarating ako sa room ng 1:05 at ginawa ko ang mga kailangan kong gawin. Sakto namang 1:20 natapos ko ito kaya nung mga 1:25 umalis na ako sa room para makapunta sa hall, ayoko nang saktong 1:30 pumunta doon dahil baka mag-antay sa akin si Ken.

Pagkapunta ko doon, wala naman sya kaya naglakad lakad ako baka sakaling tinataguan nya lang ako. Pagkarating ko sa gitnang part, may nabunggo yung paa ko na box kaya pinulot ko ito at kinuha. May nakasulat na open kaya binuksan ko, nakita ko ang isang rose at may letter doon. Binasa ko ito natatawa ako dahil maraming jokes na nakalagay doon at ang sweet nya.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon