Chapter 21

1.7K 45 3
                                    

Danielle's POV

Umuwi na ako sa bahay after kong ihatid isa isa tong mga batang lasing na toh, hindi man lang nahiya kay Althea ang lalakas nilang uminom pero hinayaan ko nalang buti nalang walang pasok bukas.

Pag-uwi ko sa bahay sobrang saya ko ewan ko ba nasabi ko na kasi ang mga bagay na gusto kong sabihin kay Althea, nasabi ko na mahal ko sya. Totoo naman eh so bukas dapat kausapin ko na si Victoria about sa paghihiwalay namin kahit wala namang kami dahil si Althea talaga ang mahal ko.

Naghalf bath ako at humiga sa kama ko after kong magbihis, sa sobrang pagod ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako 8:45 am, I prepared myself, cook breakfast and eat it, nagtimpla din ako kape at ininom ito saka nagpunta na sa café.

Sobrang saya ko ngayon at nahawaan ko ang mga tauhan ko kahit ang mga costumers kaya dumami ang pumupunta ngayon. Tinulungan ko na din sila, naging waitress ako for a while para naman mas mabilis ang takbo dahil madami ang costumers.

May iba na nagtatanong kung nagpafranchise ba ako pero wala pa naman sa plano ko gawin yun dahil hindi pa naman masyadong malaki ang capital ko para gawin yun.

"Ang saya mo ngayon Danielle," sabi ni Raylee sa akin

"Ayaw mo? Gusto mo pagalitan kita?" tanong ko sa kanya at umiling naman sya natawa nalang ako sa kanya. Habang nakatayo ako sa counter nag-aantay ng bagong order, naisip kong itext si Althea

:Gising ka na ba?

tanong ko sa kanya, 10 am na at kung minsan kasi late syang gumigising kapag walang pasok dahil yun nalang ang pambawi nya.

:Kanina pa po, why?

Reply nya, natuwa naman ako buti nga hindi ako napatili sa café kundi nakakahiya talaga

:Yung tanong ko sayo kelan mo sasagutin?

:Wag kang excited

:Can you just give me the answer now?/

:Wag kang makulit Danielle, kunin mo nalang ang order ko 

Napatingin naman ako agad sa paligid. Andito sya?

Biglang may tumaas na kamay and I saw her, mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha ang order nya, mabilis din nya itong nakuha dahil mabilis sila kumilos ngayon. Habang nandoon sya sa café, umupo ako sa harap nya

"Wala ka namang kasama diba?" I asked

"Wala" she answered

"Pano mo nalaman yung café na toh?"

"Tinanong ko si Jamie ano exact address alam ko na kasi pangalan eh" she answered with a smile hindi ko naman mapigilan ang mapangiti "Danielle, pinagtataka ko lang paano mo nasabi ang ganung bagay eh girlfriend mo si Victoria"

"Ahhh I forgot to tell you na nagkukunwari lang kami, gusto nya lang kasing pagselosin si Andrew na ex nya," natawa naman sya sa akin "pero ayaw na nya akong pakawalan,"

"Nagseselos nga sya dahil alam nyang iba gusto mo,"

"Sinaktan ka nya?" I asked

"Nakaganti naman ako," ngumiti sya sa akin pero hindi ko maiwasan ang magalit, may usapan kami tapos ganun ang gagawin nya hindi sya marunong sumunod sa usapan.

"Ako ang bahala sayo Althea." I told her. Mayamaya, umalis na si Althea dahil may pupuntahan daw sya kasama si Rain, medyo nasaktan ako doon pero wala eh ganun talaga dahil sila.

Nagpunta muna ako sa mall bago dumaan sa school dahil andoon si kuya may pinabili kasi sa akin, eh sa sobrang dami nyang ginagawa doon hindi sya makaalis. Pagtapos ko sa office ni kuya naglakad lakad ako saktong nakita ko si Victoria dinala ko sya sa rooftop

Book 1: Into You (Under Major Revision)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora