Chapter 15

2.2K 50 0
                                    

Danielle's POV

Pagbaba namin sa van tinawag ako ni papa kaya iniwan ko muna si Althea kasama sila Jian doon, "Yes pa?" I asked.

"Mga 3 days lang tayo dito I forgot to tell you, sulitin mo na ang time mo with your cousins ha" sabi nya sa akin.

"Yes pa" I answered. 

After that, he asked me to bring his things inside the house at tulungan si kuya Stephen. Pagkalabas ko sa bahay, nakita ko sila Althea na malapit na sa amin and I heard Damien talking to her about nasty things so pinagalitan ko ito at kinuha si Althea. 

Lahat ng pinsan ko ugali ni Damien ang pinaka-ayaw ko. Yes we're close pero pag ganyan na sya nagagalit ako nakakawalang respeto sakto pang sinabi nya kay Althea.

Pumasok na kami sa bahay na kung saan kami magstay dalawa ni Althea, una pumunta muna ako sa baba kasama si Jian pero tulungan nya ako sa mga gamit namin. Linibot din nya ako para makilala ko ang bahay marami na kasi ang nagbago dito dahil pinarenovate ito nila papa.

"Ate anong meron sa inyo ni ate Althea?"

"We're friends, why?"

"Wala lang, sa tinginan nyo kasing dalawa parang meron kayo eh," natawa naman ako sa sinabi nya at hinampas ng mahina ang braso nya.

"Hindi pwedeng maging kami," I said.

"Why?"

"Kasi ang magkaibigan, magkaibigan lang talaga, nothing more nothing less." I answered at napatango naman sya "Ikaw ba? Musta oplan ligaw natin sa crush mo?"

"Wala ate, talo parin talaga."

"Bakit hindi talaga kayo nakatadhana para sa isa't isa. Sya parin ba?" tumango naman sya "ang loyal mo naman, nanliligaw pa ako kay Amira nun ah,"

"Eh ate nasan na si ate Amira?"

"Pinalaya ko na, doon naman sya sasaya eh, yung wala ako." sabi ko sa kanya habang naglilibot sa kusina tinitignan ko kung may mga pagkain ba sa refrigerator and meron talagang pinaghandaan ng mga pinsan ko ang pagdating namin.

"Ang sakit magmahal noh ate," sabi nya sa akin sabay upo sa island counter sa kusina, habang ako kumuha ng yogurt sa ref at binigyan sya ng isa.

"Ganun naman talaga pero you have to accept the fact na kapag nagmahal ka sakto na yung mapasaya mo sya kahit hindi sya mapasayo,"

"Wow, words of wisdom," natawa nalang ako sa kanya. 

After naming kumain pumunta na ako sa room para makapagpalit ng damit, umakyat naman sya sa taas para puntahan daw sila Althea, hinayaan ko nalang muna sila alam ko namang magbabait ang mga yun kaya hindi nila babastusin si Althea.

Pagkatapos kong magbihis naglibot ako sa sala sa baba, dalawa ang sala dito isa sa taas at isa sa baba. Nakakamiss, dito pa kami tumatambay ni lolo nung bata ako habang nagjajamming kami ng guitar pero ngayon wala na sya. Years have passed pero namimiss ko parin talaga si lolo.

Pagkaupo ko sa sofa, nakita ko ang guitar na ginagamit namin ni lolo, ang lupet na buhay pa ito at malinis kaso wala na nga sa tono kaya inayos ko nalang. After fixing it, I tried to make music with it kinanta ko ang kantang naka utak ko palagi

Matagal na ako na lss doon sa kantang buwan matapos iparinig sa akin ni Jamie yun last time na nagkita kami sa café. Parang tumatak na sa puso at isip ko yun dahi nakakarelate ako at ang gaan sa feeling pakinggan.

Marunong naman ako kumanta kaya linakasan ko ang loob ko, hindi ko naman alam na maririnig nila Althea yun dahil akala ko lumabas sila dahil yun ang paalam ni Jian sa akin.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now