Chapter 18

1.6K 47 0
                                    

Althea's POV

Kanina pa sya sorry ng sorry sa akin siguro akala nya galit ako, magagalit kasi sana ako pero pinili ko nalang hindi lalo na nung narinig ko syang sinabi sabi nyang 'it's just a kiss' so halik lang para sa kanya yun, walang meaning.

Manyak yan si Danielle

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Ken pero pilit kong inalis sa isipan ko yun at hindi maniwala sa kanya dahil baka sinisiraan nya lang ako gaya ng ginawa nya kay Amira.

Paano nalang kaya kung hindi ginawa ni Ken ang ganun, magkaibigan parin siguro sila o kaya sila na ni Amira hanggang ngayon, hindi na siguro sya magbabago at magiging masyadong seryoso dahil andyan na yung taong magbibigay ng totoong kulay sa buhay nya.

"Ano naman yun?" Tanong ko kay Danielle, sinusubukan kong maging seryoso sa harap nya, titignan ko kasi yung magiging reaction nya.

"Papayagan mo akong ihatid at sunduin ka sa bahay nyo bago pumasok at pag-uuwi na,"

"Bakit naman kita papayagan na gawin yun?"

"Ayaw mo? O sige tatawagan ko si kuya na hindi ka aalis dito sa bahay ko, dito ka lang sa tabi ko." she smiled sabay taas ng kilay nya. Napailing naman ako at napangiti sa ginagawa nya.

Umalis na sya ng sofa at umakyat sa taas, mabilis ko naman syang sinundan. Mapipilitan nalang akong payagan syang gawin ang deal namin kesa magstay pa ako dito sa bahay nya, lumalala lang ang feelings ko para sa kanya, nakamove on naman na sya sa akin.

"Danielle," I called her

"Yes?" Mapang-asar syang tumingin sa akin habang nakangiti.

"Pumapayag na ako sa condition mo pero papayagan mo na akong umalis sa bahay mo ah? Para naman wala nang dagdag gastos pa,"

"Hays." bumuntong hininga sya. "Kahit naman anong gagawin ko magpipilit ko paring umalis dito sa bahay ko, dapat pala sinabihan ko nalang si kuya Liam na wag nang bumili ng bahay dahil safe ka naman sa akin," napangiti nalang ako sa sinabi nya, halos mabingi na ako sa tibok ng puso ko dahil sobrang lakas nito.

"Sige na Danielle," pagpupumilit ko

"Ihahatid kita sa bahay nyo bukas," sabi nya sa akin na halatang malungkot ang tono nya. 

Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat bago nya sinara ang pintuan ng kwarto nya. Pumasok na din ako sa kwarto ko matapos kong patayin ang mga ilaw sa baba at siguraduhing lock na ang pinto.

Naghalf bath ako then after kong magbihis humiga na ako sa kama ko nung biglang nagtext sa akin si Danielle

:Kailangan mo ba talagang lumipat? Baka pwedeng kausapin si kuya?

:Wala na Danielle, mas gusto ko din namang tumira kasama si kuya

:Bakit, ayaw mo ba tumira kasama ako?

Hindi mo lang alam Danielle, nasasaktan ako kapag nakikita araw araw lalo na kapag ngumingiti ka.

:Basta, mas comfortable lang talaga ako kay kuya

:😭 

Natawa ako sa sinend nya parang bata makipag-usap eh 

:Wala na naman akong kasama dito sa bahay malungkot na naman ako

:Masanay ka na ulit na wala ako. Tulog na

:I don't want to sleep, I can't sleep lalo na kapag naiisip kong aalis kana, biglaan naman eh 😭

:Bibisita nalang ako dito sayo pag di ako busy, tulog na. Goodnight

Nilagay ko na ang phone ko sa side table nung biglang tumunog na naman. Di ko na sana papansinin pero di ko matiis si Danielle.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now