Chapter 22

1.7K 43 0
                                    

 Althea's POV

"Tara na?" Tanong ko kay Rain pagkadating ko sa shop nya. 

May pupuntahan daw kasi kami, sabi nya may ipapakita syang resort sa akin na kung magugustuhan ko pupunta kami doon the day after tomorrow.

Ngumiti naman ng matamis sa akin si Rain at inalalayan nya ako sa pagsakay sa sasakyan nya. Nagiguilty tuloy ako na nagkukunwari lang kami pero ang seryoso nya sa akin.

Wala naman akong magawa dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Pagsakay namin ng sasakyan, nag-suot sya ng mask, "bakit ka may ganyan?"

"May sipon kasi ako kaya magsusuot ako nito baka mahawaan kita aircon pa naman" ngumiti lang ako sa kanya, nagsimula na syang magdrive, nakahawak pa ang kamay naming dalawa sa libre nyang kamay

"Sure akong mag-eenjoy ka doon" sabi nya na may excitement sa tono. 

Minuto palang ng pagbiyahe namin, nahihilo na ako, hindi ko alam kung dahil ba yun sa pagdadrive nya o dahil sa amoy ng sasakyan nya.

Una palang talaga hindi ko na type ang amoy ng sasakyan nya, unlike kay Danielle mabango hindi nakakahilo pati yung way ng pagdadrive nya, hindi ka mahihilo

Pagkagising ko, parang na hindi ako makagalaw, yung mga kamay ko nasa likod at nakatali pero nakaupo ako, unti unti kong inimulat ang mata ko nung nakita ko si Rain na parang may sinisingot or what.

"Ano na Althea? Papunta na sya dito," sabi ni Rain, nagtaka naman ako kung sino ang tinutukoy nya, si Danielle lang naman ang kinakainisan nya. "Nga pala yung phone mo andyan sa bulsa mo, mabait pa naman ako para kunin yan," dagdag pa nya.

Hindi ko sya sinasagot malamang nakatakip kasi yung bibig ko.

Laking pagsisisi ko na kinaibigan ko si Rain, kaya siguro sila nagkagulo ni Damian, akala ko nung una ako ang dahilan, hindi naman pala. 

Hindi maganda ang ugali ni Rain kagaya ng sinasabi sa akin ni Damian, dapat nakinig ako.

Palapit sa akin si Rain, hinawakan nya ako sa buhok at tinanggal dahan dahan ang takip sa bibig ko, "pakawalan mo ako dito halimaw ka!" sabi ko sa kanya na may halong inis. 

Totoo naman pero sumenyas lang sya sa akin na manahimik ako.

"Bakit ba kasi hindi mo ako kayang mahalin? Kaya ko din namang gawin ang mga ginagawa ni Damian ah?" Sabi nya na may halong pagnanasa sa mga mata nya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nasa America na si Damian diba, may girlfriend na sya doon, ano pang ikina---"

"Shut up!" Sigaw nya sabay sampal sa akin. "Bumalik na si Damian, nakita ko sya kahapon bumili ng bulaklak, sa flower shop ko pa mismo."

"Di ka naman sigurado kung para sa akin yon,"

Tumayo sya ng diretso at tumingin sakin, "Para sayo yon, sinabi nya," she replied. Nailing nalang ako sa sinabi nya, "Hindi ka na babalik kay Damian?"

"Hindi na." Diretsong sagot ko habang nakatingin sa mata nya.

"Bakit?" Tanong nya saka dahan dahang naglakad papunta sa akin at hinawakan ako ulit sa buhok. "Dahil ba andyan na si Danielle? Akala ko ba straight ka? Di mo ako binibigyan ng chance pero si Danielle binigyan mo. I can also give you the world and I can make you cum, crazy in bed, Althea. Bakit hindi ako?"

Naiiyak na nandidiri nalang ako sa pinagsasabi nya, si Danielle hindi nya kayang gawin sa akin ang ganito.

Unting inilapit ni Rain ang mukha nya sa akin at sinubukang halikan ako pero umiiwas ako, nakatatlong subok sya pero wala syang napala. Sa inis nya binalak nyang sampalin ako ulit pero hindi nya natuloy dahil may biglang kumatok ng malakas.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now