Chapter 28

1.9K 47 1
                                    

Althea's POV

"Ano? Naamin na nya?" Tanong ko kay Danielle na namumutlang pumasok sa room namin "hoy anong nangyari sayo?" natatawang tanong ko sa kanya

"feeling ko ako ang papalit sayo dyan sa kama mo eh" sagot nya sa akin "Althea hindi ko naman ineexpect yun akala ko sasabihin nya sa akin na bakla sya tapos ganun pala" sabi nya

Natawa naman ako ng sobra "nagagawa mo pang matawa? Really?" She asked

"Ang cute kasi ng reaction mo. Alam ko namang akin ka na eh pero halos mapatay ko na sya kanina nung umamin sya sa akin" sabi ko sa kanya at natawa naman sya.

"Nga pala Danielle grabe daw yung ginawa mo doon sa nanakit kay Althea?" Tanong ni Raylee

"Wala syang awa eh ano dapat kong kaawaan sa kanya," she answered

"Dapat di mo ginawa yun," sabi ko sa kanya

"Yaan mo na tapos na yon pinaalis na ni Danielle ng bansa," sabi ni Ken. 

Kinwento naman ni Ken kung ano ang buong nangyari sa pinagawa ni Danielle. Ginaya pa nya yung ibang linya at kilos ni Danielle.

Nagtawanan naman ang lahat, "weh ginawa mo yun? Grabe ka naman ang lamig na ng tubig eh" sabi ko kay Danielle pero nginitian nalang nya ako. 

Wala naman na akong nagawa dahil tapos na yun alam na ni Danielle ang totoo. Actually naaawa ako sa kanya dahil binastos na sya ng kuya nya, yung kuya pa nya yung nagpapapatay sa aming dalawa.

After ilang oras nakalabas na ako ng hospital, si Amira ang nagbayad bilang tulong natutuwa naman ako na ang bait ni Amira sa amin.

"Guys may aaminin ako," Masayang sabi ni Samantha sa amin habang nakaupo kami sa sala, yung mga boys at mga half boys, andoon sa arcade room, naglalaro. Hay parang mga bata parin talaga.

"ano yun?" Tanong namin sa kanya nung biglang nagpakita sya ng singsing sa aming lahat

"Nagpropose na si Ken sa akin. Sabi nya sakin, ikakasal kami pagkabalik natin sa Manila." sabi nya. "Magiging Silton na kami," Kinikilig na dagdag nito

"Wow sister-in-law mo na ako," masayang sabi ni Claire sa kanya. Oo nga pala kambal si Ken at si Claire

"Dadagdagan nyo na si Bam after kasal?" Tanong ni Kristine

"Pwede din," Masayang sabi ni Samantha, "Pero at the same time ayaw ko muna, mahirap pagsabayin ang pagbubuntis saka pag-aaral,"

"Oy Althea bakit ang lungkot mo?" tanong ni Amira

"Di ako malungkot naiisip ko lang pano kung ganyan na kami ni Danielle" sagot ko sa kanila at nagtawanan naman kaming lahat.

"Girls ang saya nyo ha?" Narinig namin sabi ni Andrew.

"Wews, sawi ka lang kasi kay Althea na si Danielle eh," pang-aasar ni Samantha sa kanya

"Oy hindi naman, marami pa naman girls dyan, kung masaya naman si Danielle kay Althea then why not hayaan diba?" sabi nya at napatango naman kami.

"Baka mabugbog ka na ni Althea" sabi ni Kristine

"Oy hindi ako ganun," sabi ko.

Mayamaya ay nagbabaan na din sila Danielle sa arcade room, masaya silang lahat at parang nagkakasundo na sa mga laro, natutuwa lang ako na nagiging ganito na kami. Walang gulo except sa nangyayari sa pamilya ni Danielle.


"I'm so happy that you're here with me" sabi sa akin ni Danielle habang nakatayo kami sa may balcony ng kwarto nya, yinakap nya ako mula sa likod, nararamdaman ko ang init sa katawan ni Danielle, naamoy ko rin ang mabango nyang amoy.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now