Chapter 19

1.6K 44 0
                                    

Danielle's POV

"Kalma lang sa pag-inom Danielle lasing kana," sabi sa akin ni Jamie habang nakaupo kami sa dito sa counter. Nasa bar kasi nya ako ngayon after kong mahatid si Victoria sa bahay nila

"Di pa ako lasing Jamie, hayaan mo lang ako,"

"Ano ba problema mo Danielle?"

"Kuya pahingi pa ako ng isang glass," Order ko sa bartender "Ikaw ba Jamie, malaman mong may girlfriend na yung taong gusto mo, ano mararamdaman mo?"

"Ha? Di ko alam, di pa naman ako nakakaramdam na magmahal,"

"Ang hina mo naman Jamie," I said sabay inom nung bagong serve na glass of tequila "Si Althea kasi eh..."

"Ano, sila na ni Rain?"

"How did you know that?"

"Si Samantha kasabay naming kumain kanina eh at nabanggit nya sa amin yun," she answered napatingin naman ako sa kanya "ikaw din naman ah? Diba kayo na ni Victoria? Bakit ka naiinis, nagkakaganyan ka pa na may girlfriend na si Althea?"

"Kasi mahal ko si Althea, di ko naman mahal si Victoria"

"Bakit mo jinowa?"

"Sya ang may gusto nun, para pagselosin ang ex nya. Si Andrew" halata namang nagulat si Jamie sa sinabi ko, umorder ako ulit habang nakahawak sa batok ko pano ba naman binatukan ako

"Ang labo mo Danielle, ikaw ang mahina eh pumayag ka sa ganun eh hindi naman sya ang tinitibok ng puso mo."

"Bakit tingin mo ba kung di ko gagawin yun mapupunta parin sa akin si Althea?"

"Syempre oo, kung mag-eeffort ka eh wala ka namang ginagawa, puro pakikipagbugbugan lang kay Ken. Nga pala bumalik na sya."

"I know and I hate it bakit di pa sya inaalis,"

"Alam mo namang member ng foundation nya ang parents nya,"

"Ano ngayon? Di ba nila alam na nakakahiya sa pamilya nila yun na nanakit ng babae ang anak nila. Sisirain lang nila ang school na pagmamay-ari namin eh," I said napatango naman sya sa sinabi ko.

Ayaw maniwala ni Jamie na hindi ako lasing, pinagpilitan nya na sya na ang magdrive ng sasakyan ko at ihatid ako sa bahay ko, nakinig nalang ako sa kanya para makauwi na ako ng mabilis. Pagpasok ko sa bahay umuwi na si Jamie dahil late na din.

Namimiss ko si Althea... wala na yung sumasalubong sa akin kapag dumadating ako ng late at mas nauna sya sa akin. I missed her smile. I missed her lips pero si Rain na ang nagmamay-ari nun.

I'm dead.

Nagising ako ng 10am na masakit ang ulo ko, nakatulog pala ako sa dito sa sahig sa sala ko, buti nalang sa may carpet kung hindi may ubo na ako ngayon. Late na ako na gising so late na din ako sa school kaya hindi na ako pumasok, papakuha ko nalang kay Victoria ang mga missed activities ko.

I prepared myself and pumunta sa café kahit pa masakit ang ulo ko, uminom nalang ako ng pain reliever

"Good morning maam," bati sa akin ng mga trabahador sa café. 

Hindi ko sila sinungitan kundi nginitian ko sila ayoko nang pagalitan sila dahil may personal na problema akong iniinda, mas maganda nalang na itago ko na lang toh.

"Nasaan si Raylee?" I asked

"Wala pa po maam, nasa school pa sya" sabi ni Jerry sa akin

"Ay oo nga pala" I said nung naaalala ko na umabsent lang pala ako "Eh ikaw wala ka bang pasok?" Tanong ko sa kanya

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now