Chapter 8

3K 75 0
                                    

Althea Moterno

Wala naman akong kinalaman sa plano ni kuya Stephen sinabi ko sa kanya na magrerent nalang ako ng boarding house o kaya sa dorm dahil narinig ko ang papa nya na baka magkaron ng issue about sa mga Alejandro kapag nahuli kami pero makulit sya at pinilit akong pumunta sa office ng papa nya at kinausap ako until they came up with the solution na titira ako kasama si Danielle sa bahay nya.

Alam kong magagalit si Danielle pag nangyari yun or papayag sya pero hindi nya ako kakausapin gaya dati. Ano ba yun? Nagkukunwari lang sya na di nya ako kilala o totoo yun? Amnesia?

Pinapunta ko si Kristine sa office para naman maging kalmado ako at nakipag-usap sa kanya. Mas lalo akong kinabahan nung nasabi na nya sa akin na nakasabay nya si Danielle sa elevator.

Mayamaya ay tinext na namin si kuya Stephen na andito na kami sa labas ng office ng papa nya and he opened it. Saktong naririnig ko si Danielle na nagcocomplain about sa plano ng papa nya.

I can see anger and hatred on her tone kaya nalulungkot ako at nasasaktan.

Kunting pag-uusap ang nangyari sa aming lahat until pumayag na si Danielle na tumira na ako sa bahay nya.

"Sabi sayo walang mangyayari kundi pumayag nalang yang si Danielle eh," sabi ni kuya Stephen

"Galit naman sa akin."

"Ngayon lang yan di ka nyang matitiis dahil alam kong mahal ka pa nya," natatawang sabi ni kuya.

Hinatid nya ako sa may parking lot and I saw Danielle standing at the side of her car, nakasandal at halatang may inaantay.

"Danielle..." tawag ko sa kanya, tumingin naman sya sa akin ng seryoso. "Thank you dahil pumayag ka," I added.

"Don't be thankful napilitan lang ako, sumakay kana, ituro mo bahay mo para naman makapagempake ka na at makauwi tayo ng maaga." she said.

Nung una akala ko pagbubuksan nya ako ng pintuan pero inunahan nya pa akong sumakay.

"Ano ba sasakay ka ba o hindi?" She asked.

"S-sakay" I answered at mabilis na sumakay sa sasakyan nya.

Iba ito sa ginagamit nya nung nasa Australia kami. Tahimik lang syang nagdadrive, ganun din naman ako tanging ingay lang mula sa radio ang maririnig mo sa aming dalawa.

Papunta kami ngayon sa Manila kung saan talaga ako nakatira, since nasa Makati sya at medyo malayo at traffic din kaya sure akong matatagalan kami pag-uwi.

After ilang oras ay nakarating na kami sa bahay namin at nagempake kaagad ako ng gamit ko, nakita ko pa si kuya na natutulog sa kwarto nya. Nung dinner time na, si kuya na ang nagluto ng pangdinner namin.

"So aalagaan mo si Althea sa bahay mo noh?" Tanong ni kuya Liam sa kanya, tumango lang naman si Danielle

"Ang laki mo na Danielle," sabi ni kuya napatingin naman si Danielle sa kanya ng seryoso. "What I mean is parang taon na ang nakalipas kahit 2 months palang naman na hindi na kita ulit nakita" nakangiting bawi nya.

"Thank you for your compliment pero I'm sorry wala akong napapansin sa inyo dahil wala naman akong pake." Natawa nalang ng mahina si kuya.

"Yan ang gusto ko sayo Danielle, matapang ka at seryoso. Una palang I don't hate you already,"

"Should I thank you?" Danielle seriously asked.

"Umm... kuya, mauna na kami sorry kung hindi na kami makakapaghugas ng plato pero baka kasi maabutan na kami ng madaling araw sa paguwi kasi traffic," pambasag ko sa nagkakainitan nilang paguusap.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now