Chapter 14

2.3K 57 0
                                    

Althea's POV

Nagulat ako nung kinuha yung phone ko, as in namutla pa ako sabi ni Danielle pero nawala ang lahat ng yun nung yinakap nya ako, naasikaso naman kaagad pero hindi na talaga nahabol dahil nakamotor yung mga kumuha. Laking tuwa ko nalang nung binilan ako ni Danielle ng bagong phone, sobrang thankful ako sa kanya.

Nagpicture kaming dalawa at yun ang ginawa kong wallpaper. After that naggrocery na kami ng ibang mga kailangan aside sa foods, namili din sya ng ibang mga kailangan daw nya sa café nya.

Pagsakay namin sa sasakyan, doon ako nabuhayan sa naisip ni Danielle na kung bakit ang phone nya hindi kinuha kung mas mahal naman yung sa kanya. Naalala ko tuloy yung pangyayari na nakita ko sa cruise nung birthday ng kuya nya, di kaya inisip nila na nagvideo ako kaya nila kinuha yun?

Eh wag ka ngang mag-overthink Althea, di bagay sayo.

"Hey, are you okay?" Narinig kong tanong ni Danielle sa akin

"Ah? Oo okay lang ako, naiisip ko lang talaga yung phone ko kasi maraming mahahalagang bagay doon"

"Well, ganun talaga. Next time mag-ingat ka na para hindi maulit. Anyway, magseatbelt ka may pupuntahan tayo" she smiled pero mukha yata akong tagabundok para mahirapang hanapin ang seatbelt kaya narinig ko syang natawa. Lumapit sya sa akin para kunin yung seatbelt, pag tingin ko sa kanya magkalapit na ang mukha namin.

Ang bango nya matutuwa na sana ako pero biglang singit yung ala-ala kong hinalikan nya ako sa cruise pero binanggit nya ang pangalan ni Amira. "Sorry" sabi nya sabay layo.

Ngumiti lang naman ako sa kanya.

She started to drive at nagulat ako nung nasa bahay na nila kaming dalawa, "Papa texted me that we need to go here sorry hindi ko nasabi sayo. May gagawin kaba? If you're busy mauuna nalang tayong umuwi"

"No, okay lang wala naman akong gagawin" sagot ko sa kanya, naglakad na kami papasok sa bahay, hindi ko alam pero parang isang taon akong hindi nakapunta dito kahit nung isang araw andito kami. Kinakabahan ako lalo na nung humakbang na kami sa hagdaan. Napatingin sa akin si Danielle

"Are you okay?"

"Hindi lang ako nakakahinga ng maayos" I answered

"Nagpapalpitate ka ba?"

"Ewan ko" I answered, nang makarating kami sa sala nila, dumiretso kami sa kusina at binigyan nya ako ng tubig, she's staring at me kaya hindi ako makafocus sa pag-inom

"You're sweating, may kasalanan ka siguro?" Nang-aasar na sabi nya sa akin, umirap lang naman ako ng pabiro sa kanya

"Wala noh, hindi lang talaga ako mapakali" I answered because that's the truth.

"Oh Danielle andito na pala kayo" narinig kong sabi ni kuya Stephen at saka ngumiti ng nakakaloka kay Danielle, sumimangot naman si Danielle at umiling na natatawa ng kaunti.

Tumuloy na kami ni Danielle sa sala at umupo sa sofa kaharap si tito Enrico, inabutan nya kami ng folder. "Read it" he ordered us

Ako, si Danielle, si kuya Stephen at si kuya Erin ng bumasa and we are surprised by the news.

"yes that's right, yan ang nangyari nung gabi bago matapos ang birthday ni Erin, I'm so disappointed akala ko safe doon hindi naman pala.

At the folder, there is a picture of ate Maysa, duguan sya, may cctv footage din pero si ate Maysa lang ang nakikita

"Feels like all of it are planned" sabi ni Danielle, umagree naman si kuya Stephen

"I think the mastermind is one of the visitors, hindi naman siguro sya makakapasok kung kung di sya invited because there's an invitation required" sabi ni kuya Erin, tumango naman si tito.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now