Chapter 3

4.9K 110 5
                                    

"Pwede bang sa susunod wag na kayong uminom ng ganon kadami?" Galit na sabi ko kanila Jamie at Raylee habang nasa sala kami.

"Sorry Danielle nag-enjoy lang talaga." Sagot nila pero inirapan ko lang.

Mga pahamak tong dalawang toh, nasurrender pa tuloy yung first kiss ko. Hindi ako nakatulog ng maayos don. Nakuha ng isang stranger ang first kiss ko na pinagkaingatan ng matagal na panahon para sa taong mamahalin ko.

"Pwedeng mag-enjoy ng hindi naglalasing. By the way, may practice tayo mamaya kaya mas magandang uminom na kayo ng gamot para mawala yang sakit ng ulo nyo." Masungit na sabi ko sa kanila habang nakacross ang mga braso ko sa aking dibdib. Napatango naman silang dalawa sa akin.

After nilang umalis pumunta ako sa balcony while bringing a glass of juice. Hindi ako iinom ngayon dahil may practice kami mamaya sure ako papagalitan ako ni coach kapag uminom ako and bukas na ang competition namin.

Nanahimik ako doon, relaxing just by looking at the view in front of me when suddenly naalala ko yung nangyari kagabi. Naalala ko yung itsura nung babae na hinalikan ko doon sa party regarding sa business ni papa.

Ano? Ang gulo. Kahawig na kahawig nya, kaya ba masyadong familiar sakin yon? Pero pano naman nakarating yon dito, grabe naman magkrus ang landas namin kung sya talaga yon.

"Ayan si Danielle kausapin mo nalang about sa nangyari kagabi." Narinig ko ang boses ni kuya Stephen sa may bandang kitchen kaya patago akong lumingon sa pinaroroonan nila kaya nakita kong paalis na sya. Napapikit ako nang maramdaman kong may tumayo sa likod ko. Hindi pa sana ako ready makipag-usap sa ibang tao ngayon but since pinalapit na sya sa akin ni kuya, I don't have any choice.

Ayoko namang magmukhang masama sa ibang tao.

"Danielle..." she called me. Her voice is too familiar to me. Bakit ba parang masyadong makakalimutin na ako ngayon. Kahit boses pamilyar na sa akin

I faced her, "Hmm?" Mahinang tanong ko sa kanya sabay inom ng juice.

"Sorry about last night," she said.

"Yung...k---"

"Naabala pa tuloy kita. Hindi ko naman alam na ipapahanap ako ni Kristine sayo eh saka di ko din talaga sinasadyang malasing ng ganun di naman kasi ako sanay sa alak,"

So hindi nya naalala yung nangyari na pagnanakaw nya ng first kiss ko?

"May iba ka pa bang naalala?" I asked her

"Ang naalala ko nalang is yung lumabas ako ng bar kasi naduduwal ako" She answered and I just nod.

"It's fine. I understood your situation last night," Seryosong sabi ko sa kanya at iniwan na sya sa balcony then went straightly to the living room to watch a series when I remembered something kaya humarap ako ulit sa kanya, "Miss, what's your name?" I asked her habang nakaupo sa sofa and nasa kitchen sya, naglilinis doon

"Althea." she answered pagkaharap sa akin at ngumiti. Napanganga ako and dali daling tumayo at lumapit sa kanya.

"Have we... met before?" I asked while pointing her and myself. Natawa naman sya.

"Ako yung hinalikan mo sa harap nung lalake doon sa party," she answered sabay lipbite.

Nakakakilabot amp.

"Ahh... hehe sa dinami dami ng pwedeng banggitin yon pa talaga eh noh." Napakamot ako sa batok ko, "Anyway, I'm sorry about that, nakakapikon kasi yung lalakeng yon eh masyadong feeling di naman pogi," Natawa naman sya.

The smile that can make my heart surprised. Every time that I'll see her smiling parang sasabog na yung puso ko then paulit ulit na bumabalik yung nangyari kagabi na she stole my first kiss.

Book 1: Into You (Under Major Revision)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن