Chapter 10

2.8K 66 1
                                    

Althea Monterno

"Danielle? Nasaan ka?" Pasigaw kong pagtatanong matapos akong makulong sa isang madilim na kwarto, wala akong nakikitang liwanag maliban sa ilaw na nagmumula sa isang maliit na butas sa gilid.

Nakakasigurado akong ito ang classroom na ginagamit naming every Tuesday at Thursday pero nasaan sila?

Pinilit kong makalabas sa pintuan kahit mahirap at masakit sa katawan ang pagtulakan ito. Hindi naman ako nabigo dahil nagawa kong makalabas, maliwanag pa pero wala talagang katao-tao sa paligid. Nasaan ba ako?

Naglakad nalang ako papunta sa bahay ni Danielle and as usual dadaan ka muna sa isang tulay bago ka makarating sa mismong kanila, sa tabi ng tulay may isang hagdang pwede mong akyatin para makapunta ka sa mga bahay na nasa itaas. Inakyat ko muna ito baka sakaling makita ko si Danielle dito

"Dito nalang ako" sabi ko sabay upo sa tabi ng isang batang Kristine.

"Bawal ka dito may katabi na ako eh sa iba ka na lang baka wala pa silang partner," Pagrereklamo naman nya kaya umalis ako sa tabi nya at humakbang pa ng isang beses.

"Ako pwede dito?" Tanong ko naman sa isang batang lalake, hindi ko sya kilala pero kamukha nya si kuya Stephen.

"Bawal may partner na din ako, loyal kaya ako," Natatawang sabi nya kaya naghiyawan ang ibang bata na kasama namin.

Muli, humakbang ako ng isa pang hakbang paakyat at nakita ko si Danielle, ang batang Danielle, nakasombrero sya na ang cool nyang tignan "Pwede ako dito?" Tanong ko sa kanya.

"Pwedeng pwede, kanina pa nga kita inaantay eh," Sabi naman nya at ngumiti ng matamis sa akin. "bagay ka sa akin Althea, halika," sabi nya at inabot ang kamay nya hinawakan ko naman ito at di inaasahang hinatak nya ako palapit sa kanya hanggang maglapat ang labi naming dalawa.

Nasan ka na ba Danielle? Yung Danielle na kilala ko, yung Danielle na kaibigan ko.

"Hoy Althea, gising na andito na tayo sa bahay," parang may umuuga kaya naisipan kong idilat ang mga mata ko, sumalubong sa akin si Danielle na ang seryoso tumingin, nasa harap na kami ng bahay nya at nasa loob ako ng sasakyan.

Bumuntong hininga sya bago sya umalis sa harap ko at pumunta sa likod ng sasakyan para kunin ang mga plastic ng mga pinamili namin sa grocery store

Tahimik lang ako, panaginip lang pala ang lahat ng nakita ko? Ano kaya ibigsabihin nun? Bakit nakita ko ang isang batang Danielle, at hindi lang sya ang bata doon. Lahat kami.

Tinitigan ko sya, matangkad, maputi, mahaba ang buhok pero napakaseryoso at parang walang dahilan para maging masaya. Sya na ang Danielle na nakakaharap ko araw araw, nasaan na ba yung Danielle na makulit na nakita ko sa Australia? Ang babaeng nagpamulat sa akin na kaya ko palang magmahal ng babae kahit alam ko sa sarili ko na straight ako.

Pumasok na kaming dalawa, mabilis syang maglakad pero ako binabagalan ko dahil wala pa ako sa sarili ko matapos akong magising sa isang napakamisteryosong panaginip. Sa kusina sya pumunta kaya sumunod ako.

May gusto talaga akong sabihin sa kanya pero wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang mga bagay na gusto kong sabihin.

Matagal namayani ang katahimikan sa aming dalawa, pinapanood ko lang sya na ilagay ang mga pinamili naming sa ref at sa mga cabinet hanggang sa naisip ko na dapat lang na sabihin ko kaya linakasan ko na ang loob ko,

"Bakit mo tinago sa akin na kilala mo ako nung unang beses tayong nagkita sa school?" tanong ko tumingin naman sya sa akin ng seryoso pero ang tagal sumagot

Book 1: Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon