Chapter 1

9.2K 172 14
                                    

Danielle Alejandro

"Goodmorning nanay!" Masayang bati ko kay nanay Deb na nagulat pa sa akin kaya halos mabitawan nya ang bowl na hawak niya.

"Jusmeyo kang bata ka!" She exclaimed while her right hand is on her chest. "Kailan ka ba hindi manggugulat tuwing umaga?"

I let out a cheeky laugh. "I'm sorry, I'm just happy to see you again, nanay."

"Nang uto pa," sabmit naman nya, "Oh sya, iyan ang pagkain mo, kumain ka na nang makainom ng gamot mo."

"Tamang tama masakit ulo ko,"

"Abay paano hindi sasakit ang ulo," Sabi nito sabay palo ng sandok sa ulo ko.

Masakit na nga eh.

"Lahat kayo ng mga kapatid mo ay lasing lalong lalo na si Stephen. Nako hirap na hirap ang ama nyo dahil sa pinaggagawa ninyo."

I can't help it but to laugh.

"Anong nakakatawa doon? Walang nakakatawa roon. Itong batang ito talaga..."

"I'm sorry, but di ko kasi maisip yung itsura ni papa" Natatawang sambit ko.

"Mukha syang ewan buti nga ay nariyan si Mike para tulungan si sir. Nako kung ako ay malakas pa talaga ay tutulong din ako, kay bigat ninyong tatlo."

I smiled then hugged her.

"Oh, anong nangyari sa iyo?"

"Eversince, you're always here for me, nay. Parang ikaw na ang mother ko kaya papalakas ka ha, you have to see me having children."

"Abay kung magkakaroon ng anak. Kay drama mong bata ka keaga aga,"

Mas lalo na naman akong natawa habang papunta sa dining table kasabay si nanay na dala dala ang mga ulam.

Yes, pati si nanay Deb, alam nyang I'm into girls. Sa kanya nga ako unang nagsabi na nagkakagusto ako sa babae. As usual gulat na gulat sa nalaman.

"Bihis na bihis ka Danielle san ka pupunta?" Tanong sa akin ni kuya Erin na kakagising palang.

Ako naman andito sa may sofa, nagbabasa ng mga updates sa group chat namin.

"Sa school," I answered briefly.

"Bakit?" He asked again kaya napatingin na ako sa kanya.

"May practice kami ng sayaw," I replied na syang paglabas naman ni kuya Stephen sa cr. Topless tapos towel lang nakalagay sa pangbaba nya.

"Alam mo ba kuya? Malupit sumayaw si Danielle yung gumaganon oh," pagsingit ni kuya Stephen na ginagaya ang sayaw namin na dahilan para magsitawanan kaming lahat.

"Umayos ka nga Steph baka malaglag yang towel mo, virgin pa yung mata ni Danielle." Natatawang sabi ni kuya Erin sabay tingin sa akin na.

"Oh? Virgin pa ba mata nyan? Malakas ata manood ng porn yan eh."

"Hoy grabe ka kuya! I never watched porn. Baka ikaw,"

"Normal," Kuya Stephen laughed. Nakipag-apir pa kay kuya Erin na tumatawa rin.

Mga sira talaga itong dalawa.

"Saka iba ang gusto kong makita noh, hindi yang ganyan. Jutay yan si kuya Stephen eh."

"Oh mygash, natapakan ego mo pre," Malakas na tawa ni kuya Erin.

"A-anong jutay? Hindi ako jutay ah." Defend nito sabay biglang napapadyak sa sahig. "Sabi ko nga dapat bibili na ako ng cream eh." Dagdag pa nito nito saka nagkamot ng ulo habang umaakyat papunta sa kwarto nya.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon