Chapter 12

2.2K 54 5
                                    

Althea's POV

"Lasing ka na Danielle" sabi ko sa kanya ng makita ko sya na naglalakad ng pazigzag pero pilit nyang sinabing hindi sya lasing kaya natatawa nalang ako sa kanya.

Dinala ko na sya sa kwarto at hiniga sa kama pero ang kulit nya talaga, ganun pala malasing toh? Hinatak nya ako papunta sa kanya, "san ka pupunta?" tanong nya sa akin

"Papalitan ka ng damit, mamaya ka na mangulit ha?" Mahinahong sabi ko sa kanya pero hindi sya bumitaw sa akin, pinipilit nya akong magstay sa tabi nya

"I don't want to... lose you... again" Pahina ng pahina nyang sinabi, natigilan ako sa sinabi nya. Tulog na syang mahimbing nun gumalaw ako ulit pero di ko alam kung anong meron sa kanya at hinahatak nya ako pabalik sa kanya kapag nararamdaman nyang aalis ako.

"Danielle... nahihirapan ako" sabi ko sa kanya at inalis ang kamay nyang nakapatong sa akin, nakatayo na ako nung hinatak na naman nya ako ng malakas kaya bumagsak na naman ako sa kanya but this time, our lips met. Hinawakan na naman nya ang ulo ko at diniin ang halik namin sa isa't isa. Lasing ba talaga toh o umaacting lang?

She started to move her lips, hindi ako makalaban sa temptation, I responded to her kiss when suddenly she stopped. She cupped my face, "ang cute mo talaga... Amira"

What the fuck? Amira?

Babaeng kinabaliwan ni Danielle yun, si Amira. Itanong mo sa kanya ng magkakilala kayong dalawa

Naalala ko ang sinabi ni nanay Deb sa akin, wala naman akong nagawa kundi maluha nalang parang dinudurog ang puso ko ng marinig ang pangalan mula sa kanya. So all the time na nagkiss kami, si Amjra ang nakikita nya at hindi ako?

Tama, the deal, she made a deal na magiging magkaibigan kami na hindi nagkakaibigan. Ano bang problema mo Althea, ikaw ang nagsabi nun pero parang ikaw pa ang sisira ng deal nyo. You have to... you have to forget her.

Binihisan ko na si Danielle na pinipigilang maiyak habang nakikita ang mukha nya at ang labi nyang napakasinungaling. After kong mapalitan ang damit nya, lumabas ako ng room at pumunta kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Hanggang sa nakarating ako sa ballroom hall, naalala ko yung time na sumayaw si Danielle kanina kasama ako, kahit both girls kaming sumayaw, ang sweet nyang tumingin na parang nagbigay na naman ng kulay sa puso ko matapos ang dalawang buwan na paghihiwalay namin. But after all of it marerealized ko na, oo nga nakalimutan na nya ako kagaya ng sinabi nya dahil si Amira, si Amira parin ang sinisigaw ng puso nya at hindi ako. Ang tanga ko lang noon dahil hinayaan kong mahulog ang puso ko sa kanya, siguro iba lang talaga ang habol nya sa akin una palang.

Nanahimik akong nakatayo sa may balcony dito sa ballroom hall, pinapanood ko ang mga ilaw na makikita sa lupa mula dito sa tubig, ang gandang tignan ang nightscape. Tanging alon lang ang naririnig ko pero nagulat ako nung may narinig ako na basag ng baso at parang may nag-aaway na magkasintahan

"A-anong ginagawa mo sa akin?" Narinig ko ang babae na nagsalita

"Dahil yan sa katraydoran mo, sinasaktan ka nya inutos ko lang naman ay alamin mo ang lahat about sa kanila para matalo ko sila tapos ngayon aatras ka? Bakit anong dahilan?" Nagagalit na boses ng lalake, hindi ko maintindihan ang pinag-aawayan nila. Sinubukan kong hindi makinig pero parang may tumutulak sa akin na makinig sa kanilang dalawa.

Sumilip ako sandali, nakita ko si ate Maysa na ikinagulat ko na dumudugo ang bibig nya. Kaharap nya ang isang lalakeng nakatuxedo pero nakatalikod sa direksyon ko.

"Ayokong gumawa ng masama, nagtrabaho ako sa kanila para sa pamilya ko hindi para sayo" sagot naman ni ate Maysa.

Palapit na sa kanya ang lalake para sampalin sya pero nakita ako ni ate Maysa at nagsumbong, mabilis akong umalis bago pa makaharap sa akin. Patakbo akong lumabas ng hall nung bigla kong nakasalubong si kuya Liam.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon