1

2.1K 42 35
                                    


Jeongyeon's POV

"JY!! how are you?" Nandito ako sa Bar ng tito ko.

Nakatambay ako sa bar counter at kasama ko ang bestfriend ko.

"Im fine okay" irretable kong sagot kay Nayeon.

"Wag mong masyadong isipin yung break up niyo ni kuya" sabi niya habang umiinom ng tequila.

"Alam mo bwiset yang kuya mo eh!" Ininom ko ng isang shot yung alak.

"Uyp chillax lang po!"

"Tss. Dahil ba maganda siya at sexy. Pinagpalit niya na ako!"

"Wala kanang magagawa maganda talaga si Mina matalino pa."  Natahimik ako dahil para akong martir dito dahil sa pag break ni Jimin sakin.

"Tse, basta gago yang kuya mo"

"Oo na, oo na gago siya manloloko, gwapo, playboy at Hot!"

"Nayeon!" Galit kong sambit sa kanya.

"Sabi mo na ka move on ka na!"

"Oo na naka move on na ako sa halos 1 taon naming pagsasama"

At mas maraming shot pa ang ininom ko at hanggang nawalan na ako ng alaala.


Few hours later.

9:39 am na ng umaga, buti naman at nakauwi kami ng ligtas ni Nayeon. Nasa apartment kami nakatira na malapit lang sa university na pinapasukan namin.

Nasa kuwarto ako ngayon at kagigising ko lang.

Nagstretching ako at pumunta sa cr na medyo nakapikit parin yung mata.

"Ahh!! Sino ka rape!! Tulong may rapist!! dito rape!!!" Tili ni Nayeon kaya kumuha agad ako ng hanger.

"Nasaan!?!" Papalapit na sana ako kay Nayeon.

"Wag kang lalapit sa akin!!!" Sigaw nanaman niya.

"Ha!"

Tapos inikot ko yung paningin ko wala naman akong nakitang ibang tao sa sala. Tapos bigla ako pinapalo ng pillow ni Nayeon. Hanggang napahiga siya sa sahig dahil sa aksidenteng hindi ko maintindihan kung pano nangyari.

Basta ang bilis nang pangyayari at biglang nasa ibabaw na ako sa kanya.

"J-jeongyeon" napatitig sa akin sa mata si Nayeon at napansin kong napaka awkward yung posisyon namin.

Blag! Nabuksan ang aming pintuan.

"Nayeon! Jeongyeon! Okay lang ba kayo!"

"Ahh sino ka!!" At again pinalo nanaman ako pero ang gamit ay ang dala niyang sapatos.

Kaya naman bigla akong tumayo at kinuha ang unan para maging shield kase masakit yung sapatos.

"Dahyun si Jeongyeon yan!" Pinigilan siya ni Nayeon sa pagpalo sa akin.

"Uy ano bang nangyari ang ingay ingay niyo!?" Si Jihyo .

"Omg! Jeongyeon i-ikaw ba yan" sigaw niya bigla.

"Joke time bato pwes hindi ito nakakatuwa!!" Galit na talaga ako seriously pinagpapalo ako ng unan at sapatos. Mayroon daw rapist pero wala naman pala!

"Jeongyeon kasi yung..." sabi ni Nayeon sabay turo sa ulo ko.

"Ano!!?"

"Yung buhok mo nagbago.." sabi niya

Is This Called LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon