36

444 17 3
                                    

Author's note:

Hi hooo guys!
Kumusta ang bakasiyon?

Ako.., nag-eenjoy na sa paglibut ng bahay. Hehehe

Third Person's POV

"Dad, bakit ka po pumunta dito.." sabi ni Jimin na nagtataka.

Nasa isang private room silang dalawa ng kanyang Dad.

"Pinapahiya mo ba ako?! Ano ang naririnig ko na nagcaclub ka lang!! Nagbababae pa?! Nakalimutan mo na ba ang pinagagawa ko sayo!" Sabi ng Dad niya na napaupo agad sa upuan.

"Hindi ko po nakakalimutan" nakayukong sabi ni Jimin.

"Malapit na tayong ma bankrupt! Kunting kunti na lang." walang nasagot si Jimin kaya ang Dad niya ay nanghihinayang na tumingin sa kanya "Ano ba ang maasahan ko sayo na puro kabiguan lang ang nabibigay. Matuto ka namang mahiya." Tinuturo-turo niya pa si Jimin.

Nagalit naman si Jimin dahil nasosobrahan na ang kanyang Dad.


"Dad! Wala na akong magagawa nakipaghiwalay na si Mina sakin. Tiyaka it's not my fault kung ang business mo ay malapit nasa bankruptcy!"

Napatayo bigla ang Dad ni Jimin

Pak!

Nalasahan ni Jimin ang dugo sa pumutok niyang labi.

"Ang anak ni Myuoi na lang ang pag-asa natin anak." Madiin na pagkasabi ng Dad niya.

"Ginagawa ko na ang lahat, I broke up with Jeongyeon because of you!!" Galit na pagkasabi ni Jimin.

"Jeongyeon nanaman, pati ang kapatid mong si Nayeon nasisiraan na sa Jeongyeon na yan!"

"Mahal ko si Jeongyeon Dad!"

"Noon yun!! At NGAYON Mahal mo si Mina"

Napatahimik si Jimin kasi parehas niyang minahal ang dalawa.

"Hindi alam ni Nayeon at ng Mama niya na ibenenta ko na ang shares ng company natin.."


"Bakit ba kasi sumali ka sa underground business tapos papalpak pa" sabi ni Jimin ng pabulong.

"Kasalanan ko bang nahuli sila at isinikwati ang mga ariarian natin. Basta't gawin mo ang lahat mapasaiyo lang ang anak ni Myuio.." sabi ng Dad niya at tuluyang lumabas na ng private room.


Wala sa sariling napasuntok si Jimin sa sementong pader.

Naalala niya bigla si Mina. Nakita niya na nasa bag ang coin na ibinigay niya, na ginawang design.

"Atleast may pag-asa pa akong makuha siya.."



Mina's POV

"Jeongyeon kanina ka pa tulala diyan. Mag-answer ka na.." bulong na pagkasabi ko sa kanya kasi nagpatest ang professor namin.

"Ahhh.. oo nga pala.." sabi niya sabay sulat niya pa ng pangalan sa papel.


Pagkalipas ng 20 minutes ay natapos na ako at tuluyang lumabas at hindi pa natapos si Jeongyeon. Kaya hinintay ko siyang makalabas ng room.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now