26

538 22 7
                                    

Author's note: oh mga baby girls sorry kong napakatagal hindi na ako nakakaupdate si author kasi maraming ipinasang mga requirements sa school. Halos wala na nga kaming tulog at parang mga zombie na kami ng mga classmates ko. Lol

This chapter is dedicated to angielOls 😍😘



Mina's POV

"Parang ang tamlay mo yata Mina.." sabi ni Chaeyoung.

Nasa canteen kaming dalawa ngayon kumakain kasi recess time.

Pagtingin ko sa reflection ng mukha ko sa salamin ay halatang kulang ako sa tulog at wala akong make up na inilagay sa mukha ko pero maganda pa rin ako. Inilapag ko ang salamin sa lamesa.

"Hay.." sabi ko sabay kagat ng hamburger.

"Dahil ba'to kay Jimin?"

"Siguro" sabi ko sabay inom ng soft drink.


"Or kay Jeongyeon" malapit kong maibuga ang ininom ko buti na lang talaga nainom ko na.


"Hindi no" sabi ko sabay kagat muli ng hamburger.


"Sabagay.. Pero parang wala ka talaga sa sarili mo Mina."

"Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito eh"


"Mahal mo si Jimin diba?" Tanong ni Chaeyoung sakin na walang halong biro. Ibinuka ko ang bibig ko pero wala akong masabi kahit na isang salita.

"So Hindi mo siya Mahal.."

"Mahal niya si Kuya.." nakita ko si Nayeon na papalapit sa amin. "Am I right Mina?" Seryosong sabi ni Nayeon sakin na nakatingin saking mata.

"O-oo"


"Makikiupo kami ni Jeongyeon ha.." sabi ni Nayeon sabay upo niya sa tabi ko.

Si Jeongyeon? My God! Hindi pa naman ako nakalight make up at hindi ako nag-ayos sa sinusuot ko. My GOSH!! Ano kaya ang itsura ko ngayon.

"Nasaan si Jeongyeon?" Tanong ni Chaeyoung.

"Bumili pa ng pagkain.."

Kinuha ko ang salamin para tignan ang mukha ko pero nagulat ako ng nakita ko si Jeongyeon sa reflection ng salamin. Hindi sinasadyang nabitawan ko ang salamin at nabasag ito kasi nahulog siya sa sahig.

"Hala!" Tarantang umalis ako sa pagkakaupo at pupulutin sana ito. Ngunit may pumigil sa akin.


"Masusugatan ka sa ginagawa mo Mina" naramdaman at nakita ko na hinawakan niya ang kamay ko pero agad niya namang binitawan.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa mukha niya.

Shit! Ba't ang gwapo at ang ganda niya. Pansin ko na medyo tumataas na ang buhok.


"Umupo ka na, ako na ang bahala dito" sabi niya kaya umupo na lang ako at tinignan ko lang siya.

"Pakiabot nga ng paper bag Nayeon.."


"Eto.."

Nakita ko na pinulot niya yung basag na salamin sabay lagay sa paper bag. Pagkatapos ay itinapon niya yun sa basurahan.


Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now