21

521 20 2
                                    

Jeongyeon's POV

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero gusto ko talagang mapalayo sa kanila.

Sira! Bakit pa kasi ako nakatingin sa kanila!!!

Teka?! Bakit ba ako affected.

Hindi ko namalayan na nandito na ako sa side ng ilog. Teka sa pagkakaalam ko malayo na'to sa camping.

Shit pagtingin ko sa likod ay sobrang dilim. Ni wala masyado akong makita.

Wow ah! Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na ang layo ko na.

Hala! Baka mag-alala sila sakin.

Aish! Jeongyeon mag-isip ka kung ano ang gagawin mo!?

Nakalimutan ko palang dalhin yung utak ko.

Buwesit TALAGA.

Bakit nawala ako sa sarili ng makita ko silang nagkiss!?

Aish. Wala sa sariling sinipa ko ang maliit na bato tapos tumilapon naman ito sa tabi ng ilog.

Bakit dito sa side medyo maliwanag?

Nagpulot na lang ako ng flat na bato. Sabay malakas na tinapon ito sa ilog. Nakita kong tumalontalon ito sa ilog.

"J-jeongyeon" napalingon ako at nakita siya.


"P-pano ka nakadating dito?"


"Hindi ko alam"


"Anong hindi mo alam.." medyo inis na sabi ko.


"Sa totoo lang h-hinanap lang kita kasi kakain na, tapos sumisigaw ako sayo pero hindi mo naririnig"

Nagpalabas lang ako ng malalim na hinga.

"Sorry kung naabala kita.. pero alam mo ba ang daan pabalik"


"Hindi ko na napansin eh.." nakita ko na parang nanginginig siya sa lamig.

Kasi yinayakap niya ang kanyang sarili.

Kinapa kapa ko ang bulsa at kinuha ko ang lighter.

Buti na lang at may maliit na sanga.

Kinuha ko ito at pinagsama-sama sabay sinubukang gumawa ng apoy. Dumaan ang ilang minuto ay nagkaroon na ng apoy. Hinila ko siya papalapit sakin at sa apoy. Hinubad ko ang malaking jacket na suot ko at ibinigay ko sa kanya.

Pero nagtataka siyang tumingin sakin.

"Mina, wag kang tumunganga diyan at kunin mo'to" sabi ko.

Kinuha naman niya at sinuot niya ito.

"Pano ka?"

"Okay lang ako, hahanap lang ako na pwede daanan natin. May cellphone ka bang dala?"

"Meron pero lowbat.."

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now