11

506 18 0
                                    

Mina's POV


Nasa room ako ngayon nagbihis ako kasi may importanteng lakad daw kami ni Papa. Syempre nag make-up ako pero mild lang naman tiyaka nagbihis ng floral dress at sumuot ng 1 inch na sandal. Hindi ko makakalimutan na suotin yung penguin necklace ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako sa room ko at bumaba sa hagdanan.

Nakita kong nakatalikod si Papa habang may katawag sa Phone.

Kababalik lang niya galing sa ibang bansa.

Humarap siya sakin at inilagay sa bulsa yung phone niya.


"My angel come here and hug your Papa" sabi niya sabay ngiti.

Lumapit ako sa kanya at hinagkan siya ng yakap. Kaya yinakap niya ako ng mahigpit.

"Glooming ka anak ko ah" sabi ni Papa sabay bitaw sa yakap.


"May BF na po ang anak niyo" masiglang ngiti ko sa kanya.

"Diba I told you Bawal mag BF" sabi ni Papa with a serious tone sabay hawak sa bewang niya.

"Papa nasa wastong edad na ako no" sabay pout ko.

"Binibiro lang kita anak.."

Lumakad na kami palabas ng bahay.

Tapos lumantad sa akin ang bagong sasakyan na mukhang vintage. Alam kong mahal to.. si Papa talaga mahilig sa mga vintage cars.

"Anak, bagong GF ko Say hi Sexy!" Sabay himas himas niya sa Sexy na Gf niya na isang vintage car.

"Seryoso po Papa, bagong GF nanaman..."


"Yeah.." sabay suot niya ng shades. Para siyang bagets sa suot niya ngayon.

Hay si Papa talaga, ngumiti lang ako bilang sagot. Binuksan niya ang pintuan ng car niya at inilalayan ako ni makapasok. Pagkatapos ay sinirado na niya ang pintuan at patakbong pumunta sa driver seat tsaka binukas niya ang pintuan nito at pumasok na sa car.

"Fasten your seatbelt, Anak" sabi niya sabay kabit ko naman ng seatbelt at siya rin.

Pinaandar na ni Papa yung sasakyan.

"Hoh!" Sigaw ni Papa kaya napahawak naman ako agad sa dibdib ko.

Habang siya ay nagsimula na magdrive. Malapit na kami sa gate kaya kinuha ko yung remote ng gate namin sa dala kong bag pagkatapos ay pinindot yung button para bumukas yung gate. Pagkalabas namin ay pindot ko yung button upang sumirado.

Buti na lang at hindi traffic.

Tahimik nagdadrive si Papa, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kaya sinandal ko yung ulo ko sa bintana at tinitignan ang tanawin sa labas.

"What time ka nga papasok sa school mamaya?" Tanong ni Papa sabay tanggal ng shades niya.

"1 po ng hapon"

"Buti nalang maaga pa.. bago pa nag 8" sabi ni Papa sabay liko.


"Tsaka Pa, saan po ba talaga tayo pupunta.." tinignan ko si Papa.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now