2.

779 30 19
                                    

Jeongyeon's POV

"Dalian mo na diyan Nayeon!" Sigaw ko kay Nayeon habang siya ay abalang isinusuot yung sapatos. Sa totoo lang ang tagal niyang magsuot ng damit.  TAPOS in the end all white yung suot niya.

"Oo nga heto na nga oh" binitbit na niya ang bag niya sabay lumabas na sa loob ng kwarto at sinirado ang pintuan.

Lumabas na kami sa apartment at siyempre inilock namin.

"Anyare bakit naka bonnet ka?"

Papunta na kami sa JYP UNIVERSITY. Naglalakad lang kami kasi malapit lang sa apartment yung University.

"Wala trip ko lang to" nagsimula na kaming lumakad.

Tinignan niya ako ng mabuti at nag pout siya.

"Wag ka ngang magpacute"

"Hindi naman ako nagpapacute ah!" Maslalo pa siyang nagpout.

"Eh ano yang pino pout mo dyan"

"Tanggalin mo na lang kasi yung bonnet mo" tatangkain niya sanang kunin yung bonnet ko pero hindi siya nagtagumpay kasi nga matangkad ako.

"Jeongyeon halika dito!"

"Bleh! ayoko nga!"

Para kaming timang na naghahabulan dito. Sa gilid ng kalsada.

"Nayeon! Jeongyeon!"

Napalingon kami sa tumawag samin at nakita namin sina Momo at Sana. Tumakbo sila papalapit sa amin at malapit pang matumba si Sana.

"Hahahaha" tawa namin nina Momo at Nayeon. Habang naglalakad kami patungo sa gate ng JYPU.

"Wag niyo naman akong pagtawanan!" Sigaw ni Sana.

"Teka beso beso muna" sabi ni Momo at nagbeso beso silang tatlo.

"Uy sali ka" sabi ni Sana

"No thanks" lumakad na kaming apat patungo sa gate at isa isa naming inislide yung ID namin bago makapasok.

Hindi ka kasi makakapasok sa University kung wala kang ID na exclusive lang talaga sa mga students, school administrators at staffs sa university.

"Uyp may tinatago ka no" nanghihinalang sabi ni Momo sa akin.

"Wala"

"Bakit tagong tago yung buhok mo sa bonnet mo" natigilan ako at napatingin sa kanya.

"Wala nga lang, trip ko lang"

"Para kang lalake" sabi ni Sana

"Correction gwapo na magandang lalake" sabi ni Nayeon.

"So wala rin palang silbi tong bonnet nato" tinanggal ko nalang yung bonnet at inilagay ko nalang sa bag.

"Oppa!!!" Sigaw nina Sana at Momo sa akin.

"Opps Keep distance, akin si oppa" tapos hinawakan ni Nayeon ang aking kaliwang braso at pinatong yung ulo sa balikat ko.

"Aishh tigilan niyo nga ako" irretableng reklamo ko pero yung pisngi ko kasing pula na ng kamatis.

"Uy malapit na tayong malate" sabi bigla ni Momo.

"Sige mauna na kami Oppa!" Sabi ni Sana at hinila na si Nayeon papalayo sa akin.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now