6

585 24 1
                                    

Jeongyeon's POV

Lumipas ang 1 buwan ay naging normal naman ang lahat.

Walang araw na hindi ko nakikita si Mina na kasama si Jimin.

Aaminin ko naging indenial ako, totoong nasasaktan ako pero hindi ko masabi na, totoo bang minahal ko si Jimin?

Siguro. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi ko siya minahal.. Diba?

Kailangan ko na talagang mag move on.

Pero ano ang paraan para makamove on ako. Kailangan ko bang maghanap ng iba?

Hindi! Hindi yun tama. Parang ginawa ko lang siyang panakip butas.

Kung edivert ko na lang ang atensyon ko sa mga bagay bagay?

Ginawa ko na yun pero medyo mahirap kase nga naalala ko siya sa mga ibang bagay.

Ahhh!!!! Hindi niya naman ako hinalikan at wala namang nangyari sa amin... Bakit hindi ko parin matanggap na wala ng kami?!

"Pambihira, Ex ko saang mundo ka na ba ngayon?" Biglang nagising ako sa katotohanan.

"Pwede ba! hindi ako makapagfocus sa iniisip ko"

"Wow! Totoo pala ang Himala! Anong kinain mo?"

"Sira Wala!"

"Share mo na yan!" Sabay taas pa ng dalawang kamay niya. Kaya sinipa ko nalang siya sa binti niya.

"Ouch! ex ko naman eh" napahawak siya sa binti niya at hinipan ng hinipan.

"Tumahimik ka" sabi ko with serious tone.

"Sige po," inaayos niya na ang pagkaupo sa armchair. Kaya nagkaroon na ng katahimikan sa paligid.

"Ang sakit ng pagkasipa mo ex ko baka hindi ako makalakad ng maayos"

"Aish! Please tumahimik ka na, pwede bayun"

"Sus madali lang akong kausap" tumahimik na talaga siya pero ang laki pa rin ng ngiti niya at parang gusto ng tumawa.


Last class session ko na to kaya tiis lang muna Jeongyeon. Malalampasan mo rin to.

Iniikot ko nalang yung mga mata ko sa paligid ng room. Napansin ko yung ibang classmates ay nakatingin saakin at kay Junior. Pero hindi sinasadya na napatingin ako kay Mina.

Naka earphone siya at naka ponytail yung buhok. Napansin ko namay binabasa siyang libro. Yung suot niya simple lang naman naka black pants, white blouse at white shoes. Pero ang ganda niya talagang tignan sobrang ganda.... Teka nga lang.

Sinampal ko ang sarili ko. Did I just check her out?

Ginulo ko ang buhok ko.

May narinig akong bumukas yung pintuan at lumantad si Ms. Kang.


"Sorry class, ngayon lang ako dumating kasi may urgent meeting"

Yung mga students nagsabi ng 'okay lang po' pero ako wala lang, wala sa sarili.

"Actually wala naman tayong masyadong gagawin ngayon, pero magkakaroon ng activity na kungsaan ay dapat by partner"

"Okay ma'am my partner na ako!" Sabi ni Junior sabay akbay sa akin pero tinanggal ko ang kamay niya.

"Oh anyare sayo Jeongyeon, anggulo ng buhok mo" usal sa akin ni Ms. Kang.

"Kase Ma'am kanina pa malalim ang iniisip niya" sabi ni Junior kaya inikot ko na lang yung mata ko sa kanya.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now