37

456 23 3
                                    

Jeongyeon's POV


"This is because of you, Jeongyeon" sabi ni Nayeon sakin na nakatingin straight to my eyes.

Napahinto naman ako bigla at napatameme. Dahan dahan na inalis ko ang pagkahawak sa braso niya.

Agad naman siyang humarap sa akin. Kahit gabi at dim lang ang lights dito ay makikita ko ang luha na namumuo sa mata niya.

Nakikita at nararamdaman ko ang sakit.

"Ano sasabihin ko ba ang totoong rason. Kung bakit ako umalis sa apartment, sasabihin ko ba na dahil MAHAL KITA kaya ako nagkaboyfriend bigla. Kaya nakatira narin ako ng biglaan sa bahay niya. Sasabihin ko na ba dahil ako nagkakaganito ng DAHIL SAYOOOOO!" Pumiyok ang boses niya at napahagulgol na siya sa pag-iyak.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin.

Ayokong nakikita siyang umiiiyak dahil bestfriend ko siya.

Nagkakaganito ba siya ng dahil sa akin?

Kitang kita ko na nahihirapan na siya.

"Sampalin mo ko? O suntukin mo'ko?! Lahat ng gusto mong pananakit sakin gawin mo. Kaya wag ka ng umiyak please"

Pumikit ako para hintayin ang pagsampal niya.

Pak!



"Umalis ka sa pamamahay ko!!"

Pagmulat ng mata ko nakita ko sa harap si Tita. Galit na galit siyang napatingin sakin.

"Tinuring kitang parang anak tapos hindi ko na alam na ginagawa mo ng tomboy ang anak ko!!"

"Mom!" Sigaw ni Nayeon sabay hawak sa kamay niya dahil sasampalin nanaman niya ako.

"Sige po, gawin niyo po. Sampalin niyo po ako" sabi ko.

"Nayeon bitawan mo'ko!" Galit na sabi ni Tita.

Nakita ko na papalapit sina Jimin at Dad nila sa amin.

"Lumabas ka sa pamamahay namin!" Sigaw pa ng Dad nila. "Now!"

Mukang galit na rin ito.

Dahan dahan namab akong humakbang papalabas.

"Salot ka! Lumayo ka sa anak ko at kailanman wag ka ng lalapit!!" Dagdag pa ni Tita napahinto naman ako.

Humarap ako sa kanila at agad nag bow ng 90 degrees.

"Humingi po ako ng tawad" sabi ko. Pagkatapos ay tumayo na ako ng maayos. Napatingin agad ako sa ibang direksiyon.

"Guards! Ihatid niyo siya palabas ng Mansion!!" Sigaw ni Tita.

Nakita ko ang 3 security guard na lalapit sa akin.

"Wag na po, hindi na po kailangan" sabi ko sabay talikod at tuluyang umalis.

Pagkalabas ko ng gate ay may nakita akong sasakyan na nakaraparada sa gilid.


Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan at nakita ko si Mina?


Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now