31

512 19 18
                                    

Author's note:

advance gift ko na'to sa inyo readers total Christmas eh. Hindi to edited guys ha.. as always😂

Merry Christmas Everyone 🎉

S U N D A Y  N I G H T

Mina's POV

Nakangiting inilagay ko ang phone sa bulsa.



"I think your done with your business" tukoy ni Mama sa cellphone.


"Opo, Mama"


"By the way Sharon, I need you to meet up with someone. He's-"


"I won't do it, Timothy" sabi ko agad sa kanya. Hiniwa ko ang stake sabay kain nito.


"We talk it already Sharon." Sabi ni Mama sakin.


"Mama, puwede bang wag muna nating pag-usapan yan. Kumakain pa tayo."


"What?" Nakakunot ang noong tanong ni Timothy.

"Don't speak vernacular language Sharon" sabi ni Mama sabay hiwa ng kinakain niyang stake.

"Mama, siya dapat ang mag-adjust. Hindi ako, tiyaka nagsasalita lang ako ng hangul kasi nasa South Korea ako.. tayo."

"Hindi niya maintindihan, anak"


"Is this how your father taught you here, Sharon. I think your father is a bad influence" bigla namang tumaas ang kilay ko na napatingin kay Timothy. Nakita ko na nginunguya niya ng mabuti ang stake.


"No, he wasn't and I think you are the one who is a bad influence to me, CHEATER" sabi ko sabay tayo.

Nakita ko na pabagsak na binitawan ni Timothy ang knife at fork sa plato niya.

"Mina, sit down and eat. We're not done yet" sabay inom ni Mama ng Wine.

Alam kong naiinis na si Mama kasi Mina na ang tawag niya sakin.


"I'm full.. and I want to go home"


"Atleast say sorry to me, Sharon" sabi ni Timothy na nakangiti but I know it was just a FAKE one.


"Say sorry to your DAD, Mina" sabi ni Mama na kalmado pa rin pero alam ko talagang galit na siya.


"Hindi ko siya Ama at mas lalong hindi ako hihingi ng SORRY sa kanya." Sabi ko sabay walkout papalabas ng restaurant. Malapit ko pang mabangga ang isang waiter buti na lang ay nakaiwas siya agad sa akin.

Paglabas ko ng restaurant ay nakita ko na may bumaba sa taxi kaya pumasok akk agad at sinabi ang address.

Mama change a lot.. kung dati ay napakasweet tapos napaka caring. Ngayon parang isang yelo siya. Sobrang cold..



Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong nakita si Papa. Umiinom siya ng alak habang may kausap sa phone. Si papa pinapakita niya sakin na okay lang lahat.. namay iba si Mama, pero deep inside he was suffering.

"Anak.. kumusta ang dinner date niyo with your Mama at kay Timothy"  sabi niya sabay lapag ng hawak niyang baso na wala ng laman. Napansin ko rin na ibinaba niya ang phone at inilagay sa bulsa.


Is This Called LOVE?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن