45

453 16 9
                                    

Jeongyeon's POV



Sa sobrang kulit ni Junior ay wala akong nagawa at sinabi ang problema ko. Lahat..

Nasa han river kami at umiinom.

"Kaya pala ganun rin si Mina., nanghihina pero atleast kasama niya naman sina Nayeon, Jihyo ang barkada mo" sabi ni Junior sabay kuha ng bagong beer.

Buti naman..


"Si Nayeon?.." kunot noong tanong ko sa kanya.


"Oo, medyo nanumbalik na ang dating Nayeon na nakilala natin." Ngumiti naman ako at inubos ang beer tiyaka inilagay sa plastik. "Pero ikaw.., walang natira sayo. Paano mo.. nakaya yun lahat? Alam kong nakakapatay yun. Tiyaka ang tatay ni Jimin dapat ipakulong ang gagong yun!?." Galit na sabi niya tiyaka dinurog ang hawak niyang latang beer.

"Gumagawa na ng paraan si Tito.."



"Buti naman!, pero alam mo.." parang iiyak nanaman siya kaya agad ko siyang binatokan. "Ex ko naman eh.., badtrip ka!"




"Ikaw kasi eh, umiiyak ka nanaman.."




"Eh bakit hindi ka umiiyak!" Sigaw niya sabay agaw na hawak kong latang beer. "Tiyaka yang pinagdaanan mo. Parang nasa teleserye.., masiyadong masakit at mahirap paniwalaan.."

Huminga na lang ako ng malalim..

"Kasi-"


"Tiyaka badtrip ang Mama ni Mina, sana kayo pa ni Mina ngayon. Tiyaka dapat siya ang kasama mo ngayon."





"Naku gumagabi na.." sabi ko para maiba ang topic kinuha ko ang phone ko at nagulat ako ng may tumatawag pala sakin.

Kasi silent mode tong phone ko..

Mas nanlaki pa ang mata ko na ang caller ay naging si Mina!?

Pero nagdadalawang isip akong sagutin.

"My penguin" basa ni Junior sabay hawak rin sa phone ko "Ex ko! Si Mina yan kaya sagutin mo.." yinugyog pa niya ang katawan ko sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko.


"Pero-"


"Wag mo nang isipin ang CONTRACT! Letche!?" Inagaw niya ang phone sa akin at sinagot.



"Hello Mina.." sabi ni Junior pero kumunot ang noo niya. "What!!?" Sigaw niya kaya agad na inagaw ko ang phone.



"Mina anong nangyari?.."




"Hindi ito si Mina si Somi ito.."




"Somi., pero bakit na sayo ang phone niya?"

"Jeongyeon, nakita ko sa YB si Mina na kasama si Jimin. Iuuwi ko sana  ang phone niya ng mukang nagmamadali niyang isinakay sa sasakyan si Mina. Sinundan ko sila at bigla akong nawala kasi mukang alam ni Jimin na sinusundan ko siya.." nagmamadaling sabi niya at narinig kong huminga pa siya ng malalim"may kutob akong may gagawin siyang masama.."




"Nasaan ka ngayon?"


-


Nagkita kami Somi sa daanan at may dala siyang sasakyan. Inikot namin ang bawat sulok at nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now