29

489 21 4
                                    

Author's Note: yes nakaupdate na ako! 🎉

Sorry for the long wait guys..

Always remember na lablab kayo ni Author at kayo ang inspiration ko sa paggawa ng story sa wattpad. Kahit sobrang busy ko sa pag-aaral, nakaupdate parin ako🤘🏼

Anyways enjoy reading😘😇


Mina's POV

Wala akong choice kundi sumakay. Hinawakan ko ang jacket niya sa gilid. Naramdaman ko ang pagsakay ni Somi.


"Ano bang klaseng hawak yan Mina, dapat ganito.." sabi ni Somi sabay higpit ng hawak niya sa bewang ko para na siyang nakayakap sakin.

Naramdaman ko na hinawakan ni Jeongyeon ang kamay ko.

"T-teka"

"Ganito" sabay guide niya ng kamay ko tapos tuluyang napayakap na ako sa kanya. "Steady lang yan ha" dagdag pa niya sabay bitaw ng kamay ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Kaya medyo niluwag ko ang pagyakap sa kanya.

"Iba talaga" Sambit naman ni Somi.

"Humawak kayo ng mahigpit ha.." sabi ni Jeongyeon sabay andar niya ng motor.

Nagulat ako ng mabilis ang pagdrive ni Jeongyeon.


"Ahhhhh!" Sigaw ko sabay pikit ng mata ko.

Akala ko ba ligtas at hindi siya kaskasera?!

"This is COOL!!!" Sigaw ni Somi hindi na siya kumapit sa akin. Pero ako nakapikit pa rin ang mata ko.


"Mina!" Tawag sakin ni Jeongyeon.

"Oh!" Sigaw ko..

"Luwagan mo medyo ang pagkapit sakin hindi ako makahinga.." mabilis na iminulat ko ang aking mata. Nakita ko mismo sa side mirror. Na grabe?! Ang higpit talaga ang hawak ko sa kanya.

Tarantang inalis ko naman ang kamay ko.

"Sabi ko luwagan wag mong alisin.." sabi niya sabay kindat sa akin sa side mirror. Kaya nakayukong kumapit ako sa bewang niya.

Medyo malayo ang biyahe ng maya't maya ay pumarada si Jeongyeon sa isang street food.

"Kain muna tayo.." sabi niya.

Unang bumaba si Somi sunod ako tapos si Jeongyeon. Lumakad kami at papunta sa street food station. Basta yan na yun..

"Sure ka na dito tayo kakain?" Tanong ko.

"Oo.." sabi ni Jeongyeon.

"Guys.." napatigil kami sa paglalakad at napalingon kay Somi "Mauuna na ako.." dagdag niya pa.


"Sure ka? Ihahatid muna kita" sabi ni Jeongyeon.

"No, thanks.. I will just take a cab here" sabi ni Somi.

Is This Called LOVE?Onde histórias criam vida. Descubra agora