5

574 26 8
                                    

Mina's POV

Pagpasok ko sa room ay wala pa yung professor. Pero may nakita akong isang student na nakaupo sa upuan ng isang professor.

Hindi ko nalang pinansin at umupo nalang ako. Napatingin ako sa braso ko at nakita ko yung tali na ibinigay ni Jimin sakin kanina, kaya napangiti ako. Itinali ko ang buhok ko at naging ponytail ang kinalabasan.

"Good day students"

Napatingin ako at napagulat. Hindi pala isang student ang umupo don kundi isa pala talagang Professor.

"Good day Miss Kang" bati namin pabalik sa kanya.

"So alam niyo naman na ayoko sa mga students na hindi interesado sa subject na ito" lumakad lakad siya at tinitigan kami sa mata.

Ang sobrang cold niyang tumingin at medyo natatakot ako sa kanya.

Aaminin ko na, napaka ganda niya at napakabata niya para maging isang professor.

"Kung ayaw niyo sa akin o sa subject na ito, pwes labas" lumapit siya sa pintuan pero may narinig akong parang may nagopen sa door.

Hindi nga ako nagkakamali dahil medyo na open yung door.

May pumasok na nakabonnet na lalake. May narinig akong mga mahihinang tawa. Pagkakita ko sa lalakeng nakaupo sa bandang harap ko ay alam kong tumatawa siya kase napansin ko na umaalog ang likod niya.

"Bakit ka late Ms. Yoo Jeongyeon" narinig kong tanong mula sa aming professor.

Teka si Jeongyeon, kaya napatingin ako. Nakita ko siyang parang naninigas at pansin ko na hinahabol niya ang hininga niya.

"Kase po yung Ano kase"

Namumuo na ang tensiyon dito sa room. Nakikita ko sa mukha ni Jeongyeon na parang natatakot siya.

"Anong kase kase" sabi ng aming Professor.

"Sorry po na late po ako kase "

"Say it Directly!" Pasigaw na may awtoridad na pagkasabi ng aming Professor.

"Nagpaputol po ako ng buhok!"

Kinuha niya ang bonnet sa ulo ni Jeongyeon at nagdududang siyang tinignan.

"Bakit mo naman itinatago yung buhok mo" tanong agad ni Professor Kang.

"Hindi ako masaya sa resulta Ma'am kaya nagreklamo ako at matagal pa bago nagkaroon ng aregla" mabilis na paliwanag ni Jeongyeon at nakita kong parang pinahid niya ang pawis na namumuo sa mukha niya.

"Tapos"

"Tapos nagkasundo nalang kami na irefund nalang yung ibinayad ko"

Tinitigan niya ng mabuti si Jeongyeon at ibinigay ulit yung bonnet.

"Sige pero sa susunod detention" pagbabanta sa kanya ni Professor Kang.

"Thank you Ma'am" mukang nakahinga siya ng maluwag.

Dali dali siyang lumakad para makaupo, sa tingin ko uupo siya sa likod.

"Jeongyeon dito ka sa harapan umupo" maawtoridad na sabi ng aming Professor at itinuro pa talaga kung saan siya uupo.

"Okay Ma'am" wala siyang choice kundi sundin ang inutos sa kanya.

Hindi parin nag sisink in sa utak ko na babae si Jeongyeon. Aaminin kong na starstruck ako sa kanya dahil gwapo at magandang babae siya.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now