3

725 25 12
                                    

Mina's POV

Dumating na kami sa locker at inilagay ko na yung 3 libro. Pagkatapos ay sinirado ko na yung locker.

Nagulat ako dahil bumungad bigla ang mukha niya, ibigsabihin nandito pa rin siya.

"Ah sige paalam" sabi ko.

Tumalikod ako sa kanya at lumakad na papalayo.

"Teka muna" napalingon ako sa kanya at napatigil sa paglalakad.

Pansin ko kanina pa ay wala siyang expression basta ang hirap basahin yung nararamdaman este yung ugali niya.

"Bakit?"

"Pwede bang samahan kita?"

"Am ikaw bahala" lumapit siya sa akin.

"Teka muna ha wag kang gumalaw" lumapit siya sa harapan ko at lumuhod.

Nagulat ako sa ginawa niya at para akong na statue na hindi makagalaw.

"Okay maayos na" tumayo na siya at napatingin ako sa sapatos ko.

"Inayos ko yung sintas ng sapatos mo, baka kasi ma aksidente ka" sabi niya

🎶May tawag ka!🎶

Narinig kong tumunog yung phone niya.

"Ah sige mauuna na ako" dali dali akong lumakad at hindi na tumingin sa kanya.

Mabuti nalang nawala na ang malakas na kabog na nanggaling sa puso ko. Kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil nakalayo na ako sa kanya.

Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa cafeteria kaya bumili na lang ako ng mga pagkain.

Sa totoo lang para siyang food court ang cafeteria dito.

Nakakita na ako ng available na table at dun na ako kumain.

Maya't maya

"Am hello maganda pwede makiupo" sabi sa isang cute na babae.

"Ah sige upo ka" umupo na siya sa tapat ko at inilapag niya yung tray niya.

"Salamat kasi pinaupo mo ko, kaya umupo ako dito dahil wala na akong nakikitang available table at ako pala si Momo" inilahad niya ang kamay sa akin.

"Mina" tinanggap ko yung kamay niya at nag shakehands kami.

"Parang japanese ka yata" tutok na tutok siya sa akin.

"Oo half japanese at half korean ako"

"Alam mo japanese rin ako at dito kami nag aaral ni insan japanese rin siya"

"Ahh"

"Kain na tayo!!" Pansin ko rin na puno ng pagkain yung tray niya. Nagsimula na siyang kumain. Napatingin lang ako sa kanya dahil grabe siya makakain parang vacuum cleaner.

"Momoring ang sama mo! Iniwan mo ko!" May lumapit sa kanya na isa ring cute na babae.

Umupo ito sa tabi niya at mukang hindi niya ako napansin.

Bago nagsalita si Momo ay inilunok niya muna ang pagkain niya.

"Eh kasi ang tagal mo eh! Alam mo bang ang gutom gutom ko na, nakikipag usap ka pa dun sa lalakeng yun"

"Eh nagpapatulong lang naman siya sa-"

"Palibhasa gwapo kaya tinulungan, ang landi mo talaga!"

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now