7

593 22 1
                                    

Mina's POV

"What!" Sigaw ni Jeongyeon bigla.

"Bakit ayaw mo ba kay Ms. Myoui.. Jeongyeon" napatingin ako kay Jeongyeon at nakikita ko ay kumukunot yung noo niya at parang nag halo halo yung expresyon niya o nararamdaman.

Ang hirap niya basahin.

"Hindi naman po sa ganun-"

"Just sit down Ms. Yoo" umupo na siya sa armchair at parang iniiwasan niya ang tingin ko sa kanya.

"Stop staring at me please" tapos nag eye to eye contact kami ni Jeongyeon.

"Kung hindi mo ko gusto maging partner pwes sabihin mo agad" sabi niya sa akin with sincere tone. Magsasalita pa sana ako ng biglang itinaas ni Ms. Kang yung hand sign niyang magsasalita siya.

"Okay class kung gusto niyo mag switch ng partners or magpalit., sorry hindi na pwede" narinig naming sabi ni Professor Kang.

"I have no choice then" nag smirk ako sa kanya. Totoo palang may pagkamahangin siya.


"Tsk., magiging malas ka kapag ako yung partner mo" mayabang napagkasabi niya.

"Bakit mo naman nasabi"

Linapit niya yung mukha niya sa akin medyo nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"Dahil AKO si YOO JEONGYEON., the girl that will mess your life" tapos nag smirk pa sa akin.

"Hahaha funny hindi ko aakalain na lalabas rin pala yung totoong ikaw" sabi ko sa kanya with sarcastic tone.

Akala ko mabait siyang tao, tipong a kind hearted girl that will do everything just to help you. Pero tila yung first impression ko sa kanya ay nagbago na ng tuluyan.

"Hmmm.. now you know the real me" linayo na niya ang mukha niya sa akin at dahil dun ay natapos na ang staring contest namin. Yung mata niya talaga ang HIRAP basahin. Kasi parang walang emosyon.., napakacold niya.

Totoo talagang pinagsasabi ni Jimin sa kanya.

"Since may partner na kayo lahat.., kilalanin niyo ang isat-isa"

"Ma'am tapos magkakadevelopan kami, tapos liligawan ko siya, tapos magiging kami, tapos mag-aaway kami., edi ending nun BREAK UP!" Sigaw sa ex boyfriend ni Jeongyeon na nasa bandang likod ko na nakaupo.

Tapos nagtatawanan yung mga classmates ko.

Hindi ko napansin tapos na pala mag pairing ng partner.

"Mr. Park Jinyoung STOP making NONSENSE." Seryosong salita ni Professor Kang.

Tumahimik na silang lahat dahil nakakatakot na ang mukha niya.

"May 15 minutes pang natitira bago kayo makakalabas.., so sa partner niyo, mag share kayo ng mga ideas o type ng isang business tapos ito'y maaring magamit niyo sa next class activity"

"Yes Ma'am/okay Ma'am" sabi ng mga kaklase ko.

Pagtingin ko sa katabi ko ay parang walang pakielam. Kasi inaatupag lang niya ngayon ay ang paglalaro ng games sa cellphone niya. Actually para hindi siya mahalata ay nilagay niya ang isang binder sa lamesa niya at doon niya tinatago yung phone niya.

Is This Called LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon