25

541 19 9
                                    

Author's note:

Happy 1k reads everyone. I'm so grateful because I can't believe that may nagbabasa talaga ng kwentong ito. Sa mga silent readers diyan. Thank you😍😘 aaminin ko rin na isa rin akong silent reader. Sa mga nagtatangkilik ng story ko this chapter is dedicated for you all😍😍

Sa next chapter naman magdedecate rin ako ng isang reader. Just vote and comment😍





Jeongyeon's POV

Gusto kong tumawa kasi napakanerbyosa ni Mina. Ramdam ko kasi na parang nangiginig siya na nanlalamig. Ipinikit pa ang kanyang mata.

Natatawang ipinahid ko ang gatas na namumuo sa itaas ng labi niya.

"Para kang sira diyan" nakita kong gulat na iminulat niya ang kanyang mata. Nakita ko ang paghihinayang sa mata niya. Baka nagkakamali lang ako?

"Akala ko kas-"

"Na ano?"



"Wala" sabi niya sabay talikod.

Baka ito na yung tamang oras.

..


...



....


.....

Tamang oras para malaman ko kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.

Hinila ko ulit siya paharap sa akin at hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko. Nakita ko ang paglaki ng singkit sa mata niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Sana patawarin mo ko sa aking gagawin.." sabi ko ng nakatingin ng deretso sa mata niya sabay inangkin ang mapula at malambot niyang labi.

Ito nanaman ang nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng panlalambot ng tuhod ko. Tumibok ng kay bilis ang puso ko.

Parang ang saya ko. It is just a smack kiss but why? Bakit iba na ang impact sa akin? What did you do to me Mina?

Mukang totoo talaga ang sinabi ni Junior. May nararamdaman na ako kay Mina.

Nagulat na lang ako ng itinulak ako ni Mina at doon lang ako nagising sa katotohanan.

Nakita ko ang gulat sa mata niya. Iniwas niya agad ang tingin sakin sabay tumalikod at tuluyang nakaalis nasa harap ko.

"Sira ka talaga Jeongyeon" sabay gulo ko ng buhok ko.. "bakit ko ba yun nagawa" sinampal ko ang sarili ko.

Bakit kasi sinunod ko ang payo ni Junior.

Pagpasok ko sa guest room ay nakita kong bumakod sa kama si Junior. Kinusot ng kinusot niya ang kanyang mata.


"Saan ka pupunta?"

"Iihi ako, pero bakit may parang puti sa ibabaw ng bibig mo"

I lick it agad at nalasahan ko ang gatas.

Is This Called LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon