14

529 22 0
                                    

Jeongyeon's POV

Pagkatapos ng rambolan ay pumutok yung gilid ng labi ko. Tapos ngayon ay yung tatlong pinagtutulungan akong bugbugin ay nakakulong na at kasalukuyang nandito ako sa police station.

"Sigurado ka bang babae ka?" Tanong ng police officer sakin na titig na titig sa akin.



"Opo, babae po ako.."

"Alam mo kung wala kang witness ay hindi sana sila ang makukulong ngayon kundi ikaw.."


"Bakit naman po.."

"Kase pumutok ang labi mo tapos yan lang ang ang nadatnan mo! LABAN sa tatlong lalakeng nasa loob ng rehas na yan.." sabay turo niya sa mga ito pagtingin ko sa kanila ay tumalikod agad sila "bugbog ang katawan at bali ang mga buto!" Hindi makapaniwalang sabi ng Police officer sa akin. Exaggerated naman yata ang pinagsasabi nito eh.

"Hindi ko na po yun problema.." seryoso kong sambit sa kanya. "at pwede po bang makauwi na, may klase pa po ako bukas.." walang ganang sabi ko pa.


"Sige pero tanggapin mo muna to.." sabay bigay niya ng band aid at ointment at wala sa sariling tinanggap ko naman.


"Gamutin mo ang sarili mo bata.." nilagyan ko na lang ng ointment ang sugat ko pagkatapos ay inilagay ang band- aid na nakadesign ng cartoon design.

Tsk.. pangbata.

"tiyaka bakit napakapamilyar ng mukha mo?"



"Baka po may kamukha lang ako.."


"Oo tama! Yung nasa GOBLIN yung binatang lalake..."

"Sige po paalam.." sabay bigay ko uli sa kanya ng ointment at tuluyang nakalabas na ng police station.



















Pagdating ko sa bahay ay napahiga ako agad sa sofa at natulog.

Pagising ko ay 6:34 na ng umaga. Nagising lang ako dahil sa may tumawag sa akin sa phone pero hindi ko nasagot. Pagtingin ko ay si Nayeon pala ang tumawag baka nagalala.. I just text her na okay lang ako at dumeretso na sa cr at naligo.

Kulang pa talaga ako sa tulog!! Hay!Mga 2 oras lang yata ang tulog ko.












Pagdating ko sa JYPU ay pumunta muna ako sa food court para bumuli ng pang breakfast ko sa umaga. Pagkatapos ay dali dali akong pumunta sa room.


Pagbukas ko sa pintuan ay agad nagtama ang paningin namin ni Mina iniwasan ko agad ang tingin niya mahirap na...

Gusto kong umupo sa pinakalikod na upuan ngunit ang bakanteng upuan na lang ang nasa likod ni Mina. Wala akong choice kundi umupo don. Atleast hindi pa rin kami magkatabi.. pero sa class ni Ms. Kang! Magkatabi pala kami!!!!!


"Jeongyeon.." tawag sa akin ni Tzuyu..

"Hmmm.."

"Bakit ka nagmamask? May sakit ka ba?" Nagaalalang tanong sa akin ni Tzuyu.

"Wala akong sakit tiyaka okay lang ako.. kulang lang sa tulog to.." sabay hikab ko.

"Ilapit mo nga yang mukha mo para mahawakan ko yung noo mo.." pwede namang siya ang lumapit sakin eh. Pero ginawa ko naman.

Is This Called LOVE?Where stories live. Discover now