24

561 18 7
                                    

Author's note:

this chapter is dedicated for therealmiss14 💝

Jeongyeon's POV

Nakakashock kasi every subjects ay magkaklase kami ni Mina except sa 2 subjects.

Nandito na kami sa bahay ni Mina. Sinabiban ko si Nayeon na mag-oovernight ako sa bahay ni Mina. Tapos tumango lang siya at hindi nagsalita. May regla talaga si Nayeon o bipolar lang talaga siya.

Sa isang linggo klase ay parang may nagbago sakin. Kasi ginanahan akong pumasok sa bawat klase. I didn't skip basta parang naninibago lang ako.

Parang gusto ko ng mag-aral ng mabuti. Siguro nagmature na ako.

Ginanahan ako kasi may umangat na grades ko especially sa calculus. Akalain mo naka B+ ako kung noon ay C-. Tapos sa subject ni Ma'am Kang nagulat ako kasi A- yung grade ko. First time kong makagrade ng ganun. I'm so PROUD of myself ang ganda pala sa feeling na lumaki yung grades no..

"Sumunod po kayo sa akin patungo sa study room" sabi ng isang babae na nasa mid 3o's.

"Sosyal" sambit bigla ni Junior.



"Nasa loob po ba si Mina?" tanong ni Tzuyu.



"Yes Ma'am"



"May ibang tao po bang nakatira dito?" Sabi ko sabay tingin sa paligid.


"Sila lang dalawa ng Papa niya ang tumitira dito Sir"

Rinig kong humagikgik ng tawa si Junior. Ngunit agad ko naman siyang siniko para tumahimik. Nakita ko na medyo tumawa rin si Tzuyu.

Napahinto kami sa harap ng pintuan, agad na kumatok ng 3 beses si Manang.

"Nandito na po ang bisita niyo Ms. Myuoi" nakita kong hinawakan ni Manang yung doorknob para mabuksan ang pintuan. Unang pumasok si Tzuyu, sunod si Junior at ako.


"Salamat po manang" sabi ko.



"Walang anuman sir" sabay sirado ni Manang ang pintuan. Once again ay humagikgik nanaman ng tawa si Junior but this time ang lakas. Tapos si Tzuyu ay tumawa na talaga.

"Sige tawa lang hanggang mabilaukan kayo" sabi ko.



"Ahem.." nakita ko na nakatayo si Mina. Sa bandang bintana.

Weird pero ang ganda niya ngayon. Parang BLOOMING. Ps. Mas lalo siyang gumanda. Pansin ko sobrang ganda niya sa suot niya kahit naka short at long sleeve na sweater siya.


"Magsimula na tayo.." sabi ni Tzuyu.

Ang ganda ng study room halatang mayaman talaga. May nakita akong mga bookshelves at ang raming libro sa paligid. May dalawang computer sa side ko. Pero may dala namang kaming laptop at yun ang ginamit namin. Pansin ko na ang design sa room ay pang classic style. Para siyang opisina na library.

"Himala na ba ito Ex ko, may interest ka na sa mga libro ah.." pang-aasar sakin ni Junior.

"Tsk.. tumahimik ka nga" itinuon ko ang atensyon ko sa laptop. Kasi inutusan akong magtype ni Tzuyu. Dumaan ang halos 3 oras ay parang nagugutom na ako.

Is This Called LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon