II

4.2K 115 22
                                    

Tulala ako nang makabalik na ako sa Hacienda. Dumiretso ako sa banyo ng mga tauhan ni Donya dito sa mansion at naghilamos. Ayoko kasing makita nila ang mukha kong kakagaling lang sa pag-iyak, ayaw kong mag-alala sila sakin.

Nag-ayos ako bago pinalo-palo ng mahina ang mukha ko at nginitian ang sarili ko sa salamin.

"Fake a smile, Mya. Kaya mo to." Sabi ko naman sa sarili ko.

Kahit naman mahirap lang kami, nakapagtapos pa rin ako sa pag-aaral at marunong akong mag Ingles. Nagsikap akong matuto para maturuan ko ang nakababata kong kapatid.

Paglabas ko sa banyo ay nakasalubong ko si Kat. Napatalon naman siya sa gulat nang makita niya ako at napahawak sa puso niya.

"Pambihira ka namang babae ka! Bat ka ba nanggugulat!" Reklamo niya.

Natawa ako. "Lumabas lang naman ako sa banyo, ah?"

"Ewan ko nga sayo," Sabi niya sabay irap. "tulungan mo nalang yung iba sa pagluluto dun sa kusina. Ikaw pa naman ang master ng kusina ni Donya Tonyang." Pang-aasar niya.

Mahina kong tinulak ang noo niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Mukhang aalis ka, ah. Saan ka ba pupunta?"

"Sasama ako kina Raul at Arvin sa pagsundo sa mga bisita ni Donya." Sabi niya.

Tumango ako. "Oh, sige. Mag-iingat kayo, ah?"

"Oo naman, salamat. Kita nalang tayo pagbalik ko. Bye, Mya!"

"Bye, Kat!" Ngumiti ako at kumaway sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa kusina, napangiti naman ako nung marinig ko ang mga maliliit na tawa ng mga nagluluto. Amoy na amoy ko rin ang mga pagkaing niluluto nila.

"Mya! Mabuti naman at dumating ka, pwede mo bang gawin ang Kinilaw?" Tanong sakin ni Kikay.

Tumango ako sabay ngiti. "Oo naman," Sabi ko. "nahiwa na ba yung isda?"

"Oo, nandun sa kabilang lamesa yung mga kakailanganin mo." Sabi niya.

"Oh, sige. Salamat." Ngumiti ako bago nilapitan yung lamesa kung nasan ang mga sangkap para gumawa ng Kinilaw.

"Kumusta naman kayo ni Benjie, Mya?" May halong pang-aasar ang tono ni Maimai at nakangiti siya ng nakakaloko.

Natawa ako nung nagsitilian sila at pinuno ang kusina ng mga 'ayie'

"Ayos lang naman. Magkaibigan pa rin." Sabi ko habang sinisimulang gawin ang Kinilaw.

"Hay, nako! Impossible talagang wala pang nai-in love sa inyo. Palagi kayong magkasama simula nung mga bata pa kayo hanggang sa pagpasok niyo dito sa Hacienda." Umirap si Kikay.

"Oo nga," Pagsang-ayon ni Leila. "kahit crush, Mya, wala talaga?" Tanong niya.

Umakto akong parang nag-iisip. "Okay, inaamin ko. Nagkacrush ako kay Benjie nung elementary pa kami pero sandali lang yun! Magkaibigan lang talaga kaming dalawa."

"Grabe, ang tigas ng puso, oh." Pagbibiro ni Maimai.

"Teka, kunwari ganito. Naging kami nga, tsaka nagkaroon kami ng malaking away tas napagdesisyonan naming itigil na yung relasyon namin, edi magiging awkward na kaming dalawa sa isa't isa! Hindi na namin maibabalik yung dati naming pagkakaibigan," Ngumuso ako. "ayoko namang mawala yung thirteen years of friendship namin ni Benjie."

"Thirteen?! As in labing tatlo?!" Gulat na sabi ni Leila.

Natawa ako. "Oo, labing tatlo."

"Ilang taon ka na nga?" Tanong Kikay habang nilalagay yung niluto niya sa plato.

Heart of the Seaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن