XII

3.1K 106 22
                                    

"Grabe ka, Sebastian! Nakakainis ka talaga." Iritado kong sabi habang nakahalukipkip at nakaupo sa kama.

Maliligo kasi siya at gusto niyang hintayin ko siyang matapos. Kapag lalabas raw ako dito ay paparusahan niya nanaman daw ako.

"Nakakainis ka din, ingay mo," Umirap siya habang kumukuha ng bagong tuwalya. "diyan ka lang. If you freaking leave this room, lagot ka." Sabi niya sakin.

"Ang boring dito! Sa labas nalang ako mag-antay!"

"No. Use my phone to entertain yourself." Sabi niya sabay hagis ng kanyang mamahaling iPhone sakin.

Kinabahan naman akong saluhin yun dahil baka mabitawan ko. Napatingin ako sa kanya at ngumisi.

"Talaga?"

"Yeah." Malamig niyang sabi habang naghahanap ng pampalit after maligo.

"Anong password?" Tanong ko habang binubuhay ang kanyang cellphone.

"Wala." Tipid niyang sabi.

Napangiti ako nang mabuksan ko na ito. Ang kanyang homescreen at lockscreen ay isang puti at malaking check, itim naman ang background. Pamilyar ito sakin, parang sikat ito na brand ng sapatos. Damit rin ata.

Pumasok na siya sa loob ng banyo at binagsak ang pinto. Umirap naman ako. Bastos talaga.

Tiningnan ko ang kanyang photos. Puro sasakyan ang laman ng kanyang photos. Kung hindi naman sasakyan, mga selfie naman ni Ate Clementine. Natawa naman ako dahil pinuno niya ng mga selfie niya ang cellphone ni Sebastian. Meron din ditong mga litrato ng kanyang pamilya.

Wow, ang laki pala ng pamilyang Lacson.

Tiningnan ko ng isa isa ang mga mukha dito sa litrato. Namukhaan ko ang Lolo at Lola nina Sebastian na sina Chris and Jill Lacson. Naikwento kasi samin ni Donya Tanyang ang kanyang pamilya noon kaya kilala namin sila. Minsan na ring bumisita ang mag-asawang yun dito.

Namukhaan ko rin ang mga magulang nina Sebastian. Pati na rin ang kakambal ni Sir Caden na si Ma'am Jenesis. Karga karga niya ang kanyang anak na babae habang si Sir Jasen naman ay hawak ang kamay ng anak nilang lalaki.

Lumang litrato na ito dahil bata pa sina Sebastian dito. Napangiti ako nang makita ko ang batang Sebastian. Ang taba ng kanyang mga pisngi! Ang sarao kurutin ng kanyang mga pisngi. Nakakagigil.

Umalis na ako sa photos at wala sa sariling binuksan ang Facebook. May Facebook ako pero hindi ko naman yun nabubuksan dahil wala akong cellphone at wala kaming internet sa bahay. Dito lang sa mansion. Sa computer shop lang talaga ako nakakapag-open ng Facebook.

Sebastian Colt T. Lacson

Ito pala ang buong pangalan ni Sebastian. Ang gara, yayamanin talaga.

Yung kanyang profile picture ay litrato niya na nakasandal sa isang itim na sasakyan habang nakahalukipkip at nakashades pa. Nakakunot rin ang kanyang noo. As usual.

Pinindot ko yun para makita ang caption at likes.

Ian's facebook is boring so I changed his profile picture. Lol. -Clementine.

Yan yung caption. So ibig sabihin, si Ate Clementine ang nagpalit sa kanyang profile picture. Tiningnan ko ang dating profile picture niya at nakitang itim na background lamang ito.

Ang boring nga talaga.

Nagscroll down ako sa timeline niya. Wala siyang posts o shared pictures o ano. Puro tagged photos lang. May isang tagged photo siya rito mula sa kanyang ina.

Dakota Velvet Lacson

Our little Bast and Clerra.

Sa litrato ay sina Sebastian at Ate Clementine nung mga bata pa sila. Nasa kotse silang dalawa at nagkukulitan. Ang cute cute nilang tingnan. Tumatawa si Ate Clementine habang kinikiliti si Sebastian na nakasimangot lang.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now