IV

3.7K 99 25
                                    

Maaga akong nagising para maghanda ng almusal para samin ni Maximus. Si Maximus ang nakababata kong kapatid. 18 na si Maximus, hindi siya pumapasok sa paaralan dahil wala kaming sapat na pera para sa kanyang tuition kaya ako nalang ang nagtuturo sa kanya.

"Max! Gising na, kakain na tayo." Sigaw ko mula sa kusina.

Hindi naman mahirap gisingin si Max. Minsan, mas maaga pa siyang nagigising sakin para maghanda ng almusal namin.

Lumabas na siya mula sa kwarto habang kinukusot ang kanya mga mata. Umupo na siya sa pwesto niya at humikab.

"Magandang umaga, Ate." Bati niya.

"Goodmorning," Sabi ko. Sinasanay ko din kasi siyang magsalita ng Ingles dahil yun daw talaga ang gusto niyang matutunan. "did you finish the activity that I gave you last night?"

"Oo este yes. I finished it already." Sabi niya bago kinagatan ang pandesal na binili ko kanina.

"Good," Sabi ko naman. "nagluto ako ng pagkain para kina Nanay at Tatay, ikaw nalang ang maghatid nito sa hospital."

"Saang hospital ba?" Tanong niya.

"Yung malapit sa palengke." Sabi ko habang nagtitimpla ng kape.

"Sige. Anong oras ka ba uuwi? Mag-aaral pa tayo." Tanong niya.

Napangiti ako bago umupo sa harap niya. Ito ang nakakatuwa sa kapatid ko, masipag siyang mag-aral kahit dito ko lang siya sa bahay tinuturuan. Pinagttyagaan niya rin ang mga dati kong libro at kwaderno.

"Susubukan kong umuwi ng maaga para makapag-aral tayo," Sabi ko. "mangingisda ba kayo ngayon?"

"Opo, sasama samin si Kuya Arvin. Day off niya raw sa mansion." Sabi niya bago uminom ng kape.

"Kapag day off ko, sasama ako sa inyo sa pangingisda. Turuan mo akong mangisda, ah?" Sabi ko naman.

Natawa siya. "Wag na! Kapag tumaob ang bangka, malulunod ka. Hindi ka pa naman marunong lumangoy." Pang-aasar niya.

Sinipa ko siya mula sa ilalim ng lamesa kaya tumawa ulit siya. "Marunong na akong lumangoy, noh! Matagal na. Baka nakakalimutan mong tinuruan ako ni Kuya Benjie mo noon?"

Ngumisi siya. "Ikaw, ah. Para paraan ka kay Kuya Benjie." Ngumiti siya ng nakakaloko kaya natawa ako.

"Wag ka ngang ngumisi ng ganyan. Mukha kang asong may rabies." Sabi ko.

"Nagsalita ang mukhang aso." Asar niya.

Tumawa ako bago inubos ang pagkain ko. "Alis na ako. Wag mong kakalimutang isara ang mga bintana at pinto."

"Opo." Sabi niya bago tumango.

"Magsuot ka din ng sumbrero habang nangingisda kayo. Tingnan mo nga yang balat mo, sunog na sunog na." Pang-aasar ko bago tumakbo palabas ng bahay bago niya pa ako mahabol.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa mansion. Habang naglalakad ako kay naalala ko ang sakit ni Tatay.

Bumuntong hininga ako. Close na close talaga sina Tatay at Maximus kaya alam kong mahirap para kay Maximus kapag nalaman niya ang kondisyon ni Tatay. Ang alam niya lang ay inatake si Tatay pero di niya alam ang dahilan.

Nang makarating ako sa mansion ay asaran kaagad ang narinig ko mula sa kusina. Nandun naman sina Lengleng at Maimai.

"Magandang morning, Myang! Nag almusal ka na?" Tanong ni Leng bago ininom ang kape niya.

"Maganda morning!" Ngumiti ako. "oo, tapos na. Sina Donya Tanyang ba ay kumain na?"

"Kakatapos lang. Kakatapos lang din naming magligpit." Sabi ni Maimai habang naghuhugas.

Heart of the SeaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora