VI

2.6K 108 12
                                    

Tinapos ko na rin ang trabaho ko sa kwarto niya. Dinalhan ko na rin siya ng juice gaya ng utos niya sakin.

Malamig ang kanyang mga tingin sakin pero hindi ko siya kayang tingnan. Nakakatakot ang kanyang mga mata. Puno ng galit at walang buhay. Ang lungkot din.

"Myang, ayos ka lang? Bakit namumula ang mga mata mo?" Tanong ni Kat sakin nang makabalik na ako sa kusina.

Abala sina Lengleng, Kat at Maimai sa pagluluto ng tanghalian. Naghugas na ako ng kamay at tinulungan sila.

"Kinamot ko kasi," Palusot ko. "ang sakit kasi." Sabi ko.

Nakakatawa. Masakit naman talaga pero hindi yung mata ko. Yung mga salita niya sakin kanina, masakit.

"Patingin nga," Sabi niya sabay lapit sakin at tiningnan ang mga mata ko. "oh, bakit ganyan?"

"Anong nangyari, Kat?" Tanong ni Maimai habang naghihiwa ng carrots.

"Yung mga mata ni Mya," Sabi ni Kat sabay layo sakin at pinisil ang pisngi ko. "malungkot."

Napatingin si Lengleng sakin habang naghuhugas siya ng pinggan. "Bakit malungkot ang Myang natin?"

"Hindi ako malungkot, uy!" Masigla kong sabi sabay tawa. "napagod lang sa pangisngisda. Nakakawalang gana kasi ang init sa labas."

"Ay totoo yan," Pagsang-ayon ni Maimai sakin. "sobrang init talaga sa labas. Summer na summer talaga."

Nagpatuloy pa kami sa chika namin. Buti nalang at sanay na akong magpanggap na masaya at walang problema. Kaya ayon, hindi nila nahalata na may nanggugulo sakin.

"Ang sarap ng tanghalian natin!" Masayang sabi ni Donya Tanyang sabay tingin saming apat. "thank you girls. Meron na ba kayong ulam?"

Nagsitanguan kami. "Opo, Donya." Sabi ni Maimai.

"Kayong lahat ba ang nagluto nito? Mukhang masarap, ah." Sabi ni Sir Caden.

"Except po sakin! Dishwasher lang po ako," Natatawang sabi ni Lengleng. "pero ako po yung nagsaing."

Natawa sina Ate Clementine, Donya Tanyang, Sir Caden at Ma'am Dakota. Si Sebastian naman at tahimik lang habang nakatingin sa kanyang plato.

Nakakatawa talaga itong si Lengleng. Aminado talagang hindi marunong magluto.

"Oh, sige. Kumain na kayo girls, enjoy your lunch." Ngumiti si Ma'am Dakota samin.

"Thank you po. Kayo rin po." Sabi ko bago naglakad pabalik sa kusina kasama yung tatlo.

"Ang tahimik ni Sir Sebastian." Sabi ni Kat.

"Tahimik naman talaga yun. Suplado eh." Sabi ni Lengleng.

"Bakit kaya siya suplado? Mabait naman ang mga magulang niya eh." Tanong ni Maimai habang kinukuha ang mga plato namin.

Paglapag niya sa mga pinggan sa lamesa ay nilapit ko ang kanin at ulam samin. Umupo na ako at sumunod naman silang tatlo.

"Oo nga! Sobrang bait ng lahi nila, lalo na si Miss Clementine." Kumento ni Lengleng.

"Baka may pinagdadaanan?" Tanong ni Kat.

Tumigil muna sila sa kanilang chika dahil nagdasal na muna kami. Matapos naming magdasal ay kumuha ng kami ng pagkain.

"Baka," Sabi ni Maimai. "baka may girlfriend yun tas nag-away sila."

Napatingin naman ako kay Maimai nang banggitin niya ang salitang girlfriend. Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaction ko.

"O baka naman naghiwalay na kaya suplado at mukhang wala sa mood ngayon." Sabi naman ni Kat.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now