XXIII

3.2K 118 41
                                    

Hindi kaya sobrang bilis kong bumigay? Pero baka naman mawala siya sakin kung patatagalin ko pa. Mahal ko din naman eh.

Hawak kamay kami ngayon ni Sebastian habang naglalakad papunta kainan dito sa Davao Doctors Hospital. Nagutom kasi ako kaya bumaba kami dito. Naiwan naman sina Tita Dakota at Tito Caden kay Ate Clementine.

"What do you want?" Malambing na tanong sakin ni Sebastian.

"I want leche flan..." I said.

"Drinks?" He asked.

"Water." Sagot ko.

"Okay." Tumango siya sakin bago humarap sa babaeng naglalagay ng pagkain sa plastic.

Namangha ako habang pinapanuod siyang kausapin yung babae sa bisaya. At eto namang si ate girl ay mukhang manghang mangha rin sa kagwapuhan ni Sebastian.

Ngumuso ako bago nilapit ang sarili ko kay Sebastian. Binitawan ko ang kanyang kamay at pinulupot ang aking mga kamay sa kanyang bewang. In short, niyayakap ko siya ng patagilid.

Tumingin siya sakin at inakbayan ako para mayakap ko siya ng maayos. Hinalikan niya ang noo ko bago nagbayad sa cashier. Nakita ko namang ngumuso yung si ate girl.

Ha! Back off, akin to.

Nang makuha na ni Sebastian ang pagkain ko ay tumingin siya sakin at ngumisi.

"Hm, possessive, aren't you?" He teased.

Umirap ako. "Hmp. I have the right to be possessive naman eh. You're mine," I pouted. "but I'll try not to be too possessive. Ayokong masakal ka."

He chuckled. "No, it's fine, baby. I like that. Own me."

Ngumisi ako at hinalikan siya sa pisngi. Own me pala ha.

****

"My gosh, kung kelan pa ako hindi healthy, dun pa naging kayo! We have to celebrate." Ngumuso si Clementine.

Ngayong kami na ni Sebastian ay sinabi niyang wag ko na raw siya tawaging ate. Nagmumukha rin daw siyang matanda.

"Saka na kapag magaling ka na." Natatawang kong sabi.

"Magaling na kaya ako!" Sabi niya habang inaayos ang bag niya.

Lalabas na siya sa hospital pero kailangan niya pa rin daw'ng magpahinga sa bahay at hindi pa siya pwedeng bumalik sa kanyang trabaho. Hindi ko rin naman alam kung anong trabaho niya.

Akala ko magtatagal pa siya rito tulad ng sabi ng Doctor pero matigas ang ulo ni Clementine. Ayaw niyang manatili ng matagal dito at sabi niya na maayos na raw siya.

"Can you shut up, Clem? Gumising ka lang, naging madaldal ka na." Umirap si Sebastian habang nakaupo sa sofa.

Ako naman ay nagliligpit ng mga gamit dito sa kwarto ni Clementine. Ito namang si Sebastian ay mukhang walang balak tumulong.

"We didn't see each other for two months tas ito lang ang sasabihin mo sakin?" Madramang sabi ni Clementine. "I'm hurt, twin."

"Jesus." Sebastian groaned.

I laughed. "Gutom ka na ba, Clem?" I asked.

"Yup," She sighed. "marami akong gustong kainin but the Doctor said to take everything slow. Baka raw mabigla ang tiyan ko."

Magsasalita na sana ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa bago tumayo.

"It's Dad. Lalabas lang ako." Paalam niya.

Tumango kaming dalawa ni Clementine. Lumapit siya sakin at humalik sa aking noo bago lumabas sa kwarto. Paglabas niya ay tumili si Clementine kaya napatakip ako sa mukha ko.

Heart of the Seaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن