XL

3.4K 91 68
                                    

Months later, my due date finally came. Cesarian ako, at sobra pa akong kinabahan nung nasa operating table na ako. But when I woke up, I was already in my suite and minutes later, dumating ang nurse na karga karga ang anak ko.

Our baby is a girl. We named her Alessia Holly Clark Lacson. Nagtalo pa sina Sebastian at Clementine habang nag-iisip kami ng pangalan.

Sebastian wanted to name our own daughter, Esophagus. Clementine wanted Clementine Junior.

Higit sampung minuto kaming nagtalo tatlo sa pangalan. Buti nalang at pinakalma kami nina Mama Dakota at Papa Caden. In the end, kami na ni Mama Dakota ang nagtulungan sa pangalan.

Nung pinayagan na akong makauwi sa bahay ay nagtalo si Kelsa at Sebastian. Kelsa wants to carry her inaanak pero mashadong madamot itong si Sebastian. Napairap nalang ako.

"Bast, ipahiram mo na si Aly." Malambing kong sabi kay Sebastian habang nagluluto ako ng tanghalian namin.

Si Sebastian ay nakatayo sa likuran ko, dahan dahang sumasayaw para makatulog ng mahimbing si Aly na karga karga niya. Si Kelsa naman ay sinusundan si Sebastian, hinihiling na makarga si Aly.

"No. Aly's mine." Malamig na sabi ni Sebastian bago nilayo si Aly kay Kelsa.

"Ian naman, eh. Pahiram na kay Aly! Araw araw mo naman siyang nakakarga eh." Umirap si Kelsa.

"Go away, Kelsa. She's mine." Sabi ni Sebastian bago iniwas ang bata kay Kelsa.

I laughed while cooking Sebastian's favorite food which is Chicken Cordon Bleu. He calls it Chicken Cordon Bleu ala Mya, kasi yung luto ko lang yung gusto niya.

"I hate your husband, Mya. What a selfish jerk." Iritadong sabi ni Kelsa.

Humalakhak ako bago pinatay ang apoy. Nilipat ko sa plato ang mga niluto ko bago ito nilapag sa lamesa.

"Mamaya na kayong mag-away, kumain na muna kayo. Bast, give me Aly para makakain ka na muna." Sabi ko bago nilahad ang braso ko.

He frowned. "What? How about you?"

"I'm fine. I'll eat later." I said.

"No, I'll carry her. You need to eat first, subuan mo nalang ako." Walanghiya niyang sabi.

Humagikgik si Kelsa bago sinimulang kumain. Aba! Hindi man lang kami hinintay?

"Fine." Sabi ko. Useless ang makipag-away sa kanya dahil matigas ang ulo niya, lalo na't madamot siya kay Aly.

Umupo na ako sa tapat ni Kelsa. Uupo na sana si Sebastian sa tabi ko nang biglang umiyak si Alessia. Agad na tumayo ulit si Sebastian at bahagyang sumayaw sayaw para kumalma si Aly.

Tumawa ako. Maarte din itong si Aly eh, mana sa tatay.

"Here," Sabi ko bago inangat ang hawak kong kutsara na may ulam at kanin para makain ito ni Sebastian. He grinned before eating it. "sarap?" I smiled.

Nilunok niya muna ang kinain niya bago ngumiti sakin. He kissed me on my lips before smirking. "Sarap." He said.

"At sa harap ko pa..." Rinig kong bulong ni Kelsa kaya natawa ako.

Kumalma na rin si Aly dahil panay ang sayaw ni Sebastian. Minsan ay kumakanta pa ito ng pabulong. I smiled while watching him calm our daughter down. I saw Aly's smile when her father was singing softly. Sarap sa tenga, noh anak?

Kelsa volunteered to wash the dishes after we ate. Kumain ulit si Sebastian dahil hindi sapat yung sinusubuan ko lang siya. Tsaka paborito niya yung ulam kaya naparami ang kain niya.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now