XI

2.9K 99 13
                                    

Sino kaya yun? Kilala ko raw so malamang taga rito yung crush ni Sebastian!

Sino? Si Kat ba? O si Lengleng? Baka naman si Maimai!

Pero bakit ganon? Bat parang ayaw kong suportahan ang crush life niya? Bat naiinis ako? Mas lalo akong nainis dahil isa sa mga kaibigan ko ang crush niya!

Pero bakit ka ganyan makareact, Mya?

"Mya, can you teach me how to cook?" Tanong ni Ate Clementine habang naglalakad palapit sakin dito sa kusina.

Nagpprepare na ako ng mga gagamitin ko sa pagprito ng manok. Sebastian requested fried chicken for dinner. Buti nalang at nagpadala sina Donya ng mga pagkaing piprituhin nalang.

"Sige po." Nakangiti kong sabi bago binuhay ang apoy.

"Prito lang naman, diba?" Bumuntong hininga siya. "katakot kasi ang mantika."

Natawa ako. "Wag kang mag-alala, Ate. Ganyan din naman ako noon."

"Pano nawala ang takot mo sa pumipisik na mantika?" She asked while giving me the oil.

Tinanggap ko yun at naglagay ng mantika sa kawali. Medyo nilakasan ko ang apoy para uminit nito agad.

"Tiniis ko nalang." Tumawa ako.

Natawa siya. "You're kidding me, right?" Ngumuso siya. "sabi kasi ni Mommy, kapag hindi raw ako marunong magluto ay hindi daw ako magkakaasawa." Umirap siya.

Ngumiti ako. "Don't worry, Ate Clementine. Panigurado akong matututo ka rin."

"Pwede ring hindi na basta mag-aasawa nalang ako ng chef!" Biro niya kaya natawa kaming dalawa.

"Clementine, stop disturbing Mya." Sabi ni Sebastian habang naglalakad papunta sa fridge at kumuha ng juice.

Napamewang si Ate Clementine at hinarap ang kanyang kakambal.

"Inggit ka lang dahil tuturuan niya akong magprito!" Umirap si Ate Clementine.

Umirap din si Sebastian. "Frying is easy, Clementine. I know how to fry."

"Oh, really? Sige nga! Ikaw ang magfry nitong minarinate ni Mya." Nakangising sabi ni Ate Clementine habang inaabot ang plato ng mga manok kay Sebastian.

Poker face na tinanggap ni Sebastian ang plato at inagaw sakin ang sandok. Umirap nalang ako sa kayabangan niya.

Unti unting nilagay ni Sebastian ang mga manok sa kawali at agad namang umingay ang mantika at tumalsik. Nabigla ako nang mapatalon sa gulat si Sebastian at sumigaw. Natalsikan ata.

"Ah, fuck! Fuck this oil!" Iritadong sabi ni Sebastian bago inabot sakin ang plato at sandok. "you do it! I'm the boss here, why do I need to do the frying?" Suplado niyang sabi bago nag walkout.

Natawa nalang kaming dalawa ni Ate Clementine sa kanya.

"Karma." Ate Clementine giggled.

*****

Medyo malalim na ang gabi. Nasa kani-kanilang mga kwarto na ang kambal. Nagtalo ulit kami ni Sebastian dahil sabi ko na ayos lang ako sa sala. Hindi siya pumayag dahil uutusan niya raw akong kumuha ng tubig sa hatinggabi.

Napairap ako habang inaalala ang away namin. Parang bata talaga! Kalalaking tao, sobrang babaw naman.

Lumabas ako mula sa rest house para maglakad lakad. Pumikit ako habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko habang naglalakad palapit sa dagat.

Hinubad ko ang tsinelas ko at binabad ang mga paa ko sa dagat. Naglakad ako hanggang nasa may tuhod ko na ang tubig. Buti nalang at nakashorts ako kaya hindi mababasa ang damit ko.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now