XV

2.7K 108 21
                                    

"Mag-iingat kayo dun, ah? Wag niyong pababayaan ang mga sarili niyo? Lalo na ikaw, Mya." Paalala sakin ni Benjie habang binababa namin ang mga gamit namin mmula sa Jeep.

"Oo na, boss," Tumawa ako. "maraming salamat, Benjie, ah?"

"Wala yun, ano ka ba? Bestfriends naman tayo." Tumawa siya.

I extensed my arms for another hug. One last hug from my bestfriend. Ngumiti siya bago ako niyakap.

"Mamimiss talaga kita. Alagaan mo si Ate Clementine, ha?" Pang-aasar ko.

Kumalas siya sa yakap at pinitik ang noo ko. "Ayan ka nanaman," Ngumisi siya. "nagpaalam ka ba ng maayos sa kanya?"

"Kanino? Kay Ate Clementine? Hindi. Tulog pa siya pag-alis natin--.."

"Hindi kay Clementine..." Mahina niyang sabi.

Natahimik ako. Bumuntong hininga ako at yumuko nalang. Hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Habaan niyo ang pasensiya niyo sa kanya, ha?"

Ngumiti siya ng malungkot. "Alam mo, Mya, kahit hindi mo sabihin sakin ang nararamdaman mo para sa kanya....alam ko. Matalik kitang kaibigan eh. Kilala kita. Sana wag mong pahirapan ang sarili mo. I want you to be happy."

Nararamdaman ko para sa kanya?

"T-Thank you, Benjie." Sabi ko nalang.

Di nagtagal ay tinawag na kami ni Nanay. Sasakay na raw kami sa bus dahil aalis na raw ito. Yumakap si Benjie kay Maximus at Nanay bago nagpaalam samin. Pinanuod niya kaming sumakay sa bus, kumaway siya samin bago sumakay sa Jeep at nagmaneho paalis sa terminal.

Tumulo ang mga luha ko nang umandar na ang bus at dahan dahang lumabas sa terminal. Nakita ko ang dagat mula dito sa inuupuan ko.

Paalam, tahanan.

*****

"Ate...please. Nakikiusap ko..." Kanina pa itong sinasabi ni Nanay.

Nandito na kami sa Maynila. Gabi na nang makarating kami rito. Nandito pa kami sa terminal dahil hindi namin alam kung san kami pupunta. Hindi naman alam ni Nanay kung san na nakatira sina Lola Meredith at Lolo Teodoro. Nakaalis na kasi sila sa luma nilang bahay.

Ngayon, kausap ni Nanay ang kanyang nakakatandang kapatid na si Tita Anne, short for Jovieanne. Close raw sila ni Nanay at kahit tinakwil na si Nanay ng kanyang pamilya ay nag-uusap pa rin sila ng sikreto.

"...dala ko ang mga anak ko...opo....salamat, Ate." Sabi ni Nanay bago binaba ang tawag.

"Anong sabi, Nay?" Tanong ni Maximus.

"Susunduin tayo ni Tita Anne niyo. Sa kanila na muna tayo tutuloy, wag nating biglain si Mama at Papa." Mahina niyang sabi.

Tumango kami ni Maximus. "Nay, mabait ba si Tita Anne?"

Ngumiti si Nanay sakin at tumango. "Oo naman, anak. Sobrang bait."

"Ilan nga kayong magkakapatid?" Tanong ko.

"Dalawa lang kami ni Tita Anne niyo." Sabi ni Nanay.

"May mga anak po ba siya?" Tanong naman ni Maximus.

"Wala eh, tumandang dalaga si Ate. Hindi ko nga alam kung bakit, mahilig pa naman sa bata yun." Ngumuso si Nanay.

Di nagtagal ay may puting Innova na pumarada sa harapan namin. Dito kasi kami nakaupo sa labas na parte ng terminal.

Lumabas ang driver ng kotse at nakauniporme pa ito. Umikot siya para mabuksan ang pinto ng backseat. Lumabas ang isang sosyal na babae.

Nakapusod ng maayos ang kanyang buhok. Donya na donya ang kanyang ayos. Her dress was fitted and very sophisticated. Her makeup was just light pero sobrang ganda niya. Nakatakong din siya.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now