XVIII

2.7K 115 16
                                    

Warning: Bitin. (Don't kill me huhu)

Pahingi votes at comments :((
__________

"Mya!"

Agad akong tumakbo papunta sa kanila at sinalubong sila sa isang mahigpit na yakap.

"Namiss ko kayo!" Masaya kong sabi.

First flight kami ni Mama pabalik dito sa Dimasalang. Magbubus nalang sana kami pero aabutin ulit kami ng gabi at ayaw ni Lola na mahirapan kami sa byahe.

Kumalas sila sa yakap at inamoy amoy ako. "Wow, yan pala ang amoy ng eroplano?" Tanong ni Lengleng sabay tawa.

"Hindi! Amoy mayaman yan! Tingnan mo nga ang ayos niya!" Pang-aasar ni Kat.

"Magandang araw po, Aling...este Madame Jackie!" Nakangiting sabi ni Maimai sabay mano kay Mama. Sumunod naman sina Leng, Kat at Benjie.

"Anong 'Madame' ang sinasabi mo diyan, Mai? Si Aling Jackie pa rin ako." Natatawang sabi ni Mama.

"Mya!" Agad akong niyakap ni Benjie. "namiss kita, Mya. Grabe."

Naluha ako habang niyayakap si Benjie. "Namiss din kita, Benjie."

Narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ko. Kahit si Mama ay natawa sa kanilang tatlo.

"Si Max?" Tanong ni Benjie bago kumalas sa yakap.

"Naiwan sa Maynila. Nag-aaral na kasi." I said.

"Naks naman! Ibang klase na talaga kayo! Mahirap nang abutin!" Sabi ni Lengleng.

Binatukan ko siya. "Wag kang ano diyan. Ako pa rin naman si Mya, yung tagaluto sa mansion ni Donya Tanyang."

"Hindi ka na tagaluto ngayon dahil ikaw na yung nilulutuan!" Pang-aasar ni Maimai at nagtawanan sila.

"Tara na. Hinihintay na kayo ni Donya Tanyang." Sabi ni Benjie bago kinuha ang mga bag namin at naglakad papunta sa van.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang i iniisip ang mansion. Hindi ko alam kung excited ba ako o natatakot.

Pero ewan ko na! Magkikita na kami ulit!

****

"Mya! Jackie! Mabuti naman at nakauwi na kayo rito!" Natutuwang sabi ni Donya na nakaupo sa sofa ng kanyang sala.

"Magandang morning, Donya! May pasalubong kami para sa inyong lahat!" Masaya kong sabi bago lumapit kay Donya.

Natawa ako nang salubungin niya ako sa isang yakap. Nako, namiss ko talaga ito si Donya.

"Hello po, Donya Tanyang." Nakangiting sabi ni Mama bago nagmano kay Donya.

"Kumain na ba kayo? Mag-almusal na muna kayo!" Sabi ni Donya Tanyang.

"Ay, kumain na po kami, Donya. Salamat po." Sabi ko sabay sulyap sa itaas na bahagi ng hagdan.

Kinagat ko ang labi ko habang pasulyap sulyap sa hagdanan. May hinihintay ka, Mya?

Hinayaan ko munang mag-usap sina Donya Tanyang at Mama. Dumiretso ako sa kusina kung nasan yung tatlo habang bitbit ang bag ko.

"Oh, Mya. Gusto mo bang kumain?" Tanong ni Kat.

"Kumain na ako, salamat. Nandito yung pasalubong niyo." Sabi ko bago pinatong ang bag ko sa upuan at binuksan.

"Wow, ang dami at mukhang mahal!" Sabi ni Lengleng.

"Para sa inyo to. Mga tsokolate yan ha, ilagay niyo muna sa fridge para di matunaw. Pakibigay na ng iba kina Arvin, Raul, Benjie at Mang Tomas. Tas ito naman ay para kay Mang Danilo, pakisabihan nalang si Benjie na iabot to sa kanya. Eto ay para kay Donya Tanyang " Sabi ko habang binibigay ang mga maliliit kahon na naglalaman ng chocolates.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now