XXI

3.3K 122 33
                                    

Thank you for the comments! Nakakainspire kaya keep 'em coming!!! ❤

____________

"Magandang morning po, Donya!" Maligaya kong sabi habang nilalapag ko ang mga hinanda kong almusal sa lamesa.

"Magandang morning, Myang. Ikaw ba ang nagluto?" Tanong ni Donya Tanyang habang naglalakad, inaalalayan naman siya ni Lengleng.

"Opo, Donya. Tulad noon." I giggled.

Nakakamiss rin kasing magluto eh. Dun kasi sa Maynila, may mga tagaluto na sina Lola at Lolo. Minsan lang ako nakakaluto sa Alderidge mansion.

"Myang, bisita ka namin. Dapat hinayaan mo na kaming maghanda." Sabi ni Lengleng nang makaupo na si Donya Tanyang.

"Salamat, Leng," Sabi ni Donya Tanyang bago tumingin sakin. "oo nga, Myang. Bisita ka rito sa mansion ko."

Natawa ako ng mahina. "Ayos lang, Leng, Donya. Mahal ko po talaga ang pagluluto."

"Mabuti pa't turuan mo nalang akong magluto, Myang. Ako lang kasi ang hindi marunong magluto sating apat eh." Sabi ni Lengleng habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Donya.

Tumawa si Donya Tanyang. "Gusto ko ring makita si Lengleng na nagluluto saking kusina."

Humagikgik ako. "Hindi ata bagay, Donya." Pang-aasar ko.

Inirapan ako ni Lengleng. "Nako, Myang! Darating din ang panahon na mawawalan ng career si Gordon Ramsey dahil sakin."

Tumawa ako ng malakas. "Si Gordon Ramsey pa ang pinagbantaan."

Nagpaalam na si Lengleng na lumabas dahil tutulong pa raw siya kay Mang Tomas na magdilig ng mga halaman. Naiwan naman ako dito sa dining area kasama si Donya.

"Mya, iha, kumain ka na rin rito. Gisingin mo na si Ian para makasabay satin." Sabi naman ni Donya.

"Sige po, Donya." I said before leaving.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Sebastian. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Napangiti ako nang madatnan ko ang isang nakadapang Sebastian habang natutulog.

"Bast...gising na." Mahina kong sabi bago umupo sa tabi niya.

I gently sat beside him. Natawa ako ng mahina dahil kahit tulog siya ay suplado pa rin siyang tingnan. Hinawakan ko ang kanyang buhok at hinaplos.

He groaned softly before moving. Binuksan niya ang kanyang isang mata at pinikit ito agad. I saw him smile a bit when he saw me. He wrapped his arm around my belly and moved closer to me. Nagulat ako nang ipatong niya ang kanyang ulo sa hita ko.

"Morning, baby."

I grinned. "Morning," I said softly before touching his face. "get up. Let's eat breakfast with your Mama Lola."

"But I want to stay like this with you muna..." Nakapikit niyang sabi.

Grabe, kakagising palang ang landi landi na.

"Halika na. Sige, iiwan--.."

He groaned loudly, like a brat child. "Can you stop saying that word? I hate that word, especially when you're the one who's saying it." Iritado niyang sabi.

Natawa ako. "Oh, hindi na. Sige na, open your eyes and get up. I'm hungry."

"Fine." Sabi niya bago umupo sa kanyang kama.

Ginulo niya pa ang kanyang magulo nang buhok bago kunot noong tumingin sakin.

"What?" I asked.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now