III

3.3K 108 12
                                    

"San tayo pupunta?" Tanong ni Benjie sakin dahil ako yung nakaupo sa harapan.

Nilingon ko naman si Ate Clementine na nakaupo sa likuran. "Ate Clementine, san niyo gustong pumunta?"

"Sa bayan especially sa palengke. Gusto kong makapunta ng palengke." Excited niyang sabi.

Napatingin naman si Sebastian sa kanya. "What? Are you kidding me, Clementine? Mabaho dun!"

Siniko siya ni Ate Clementine. "You don't need to come, wala namang namimilit sayo. Plus, this is my trip. Ako ang masusunod."

"I'm older than you, ako ang masusunod." Banat ni Sebastian.

"Excuse me? We're twins at mas matanda ka lang ng sampung segundo sakin kaya wag kang epal!" Iritadong sabi ni Ate Clementine sa kanya.

"You're annoying!" Sabi ni Sebastian.

"You're a jerk!" Sagot ni Ate Clementine.

Nag-away pa silang dalawa sa likuran kaya napatingin ako kay Benjie. "Sa palengke raw." Natatawa kong sabi.

"Magkakapatid nga sila, parehong maingay." Kumento ni Benjie.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa palengke. Nauna akong bumaba sa jeep, inalalayan naman ni Benjie si Clementine dahil nahirapan itong bumaba. Mataas kasi ang jeep.

Si Sebastian? Suplado pa rin.

"Are we going inside? Like for real?" Tanong ni Sebastian

"Yes, we are. Ano pang point ng pagpunta natin dito if di natin papasukin diba?" Inis na sabi ni Ate Clementine sa kakambal niya.

"You're such a brat, Clem. I want to kick you." Iritadong sabi ni Sebastian sa kanya.

"Well, you're such a bitch for a man too, Ian." Sagot ni Ate Clementine sa kanya.

Ayon, nagtatalo nanaman ang magkakapatid habang papasok kami sa loob ng palengke. Halata namang natutuwa si Ate Clementine dito dahil nakangiti lang siya habang naglalakad kami.

Nagulat ako dahil hindi siya nagrereklamo sa baho at ingay dito. Hindi tulad ng kapatid niya na kadatapak niya sa sahig ay puro reklamo ang lumalabas sa bibig niya.

"Agh, what the hell?"

"This is disgusting."

"It's smelly here. Can we leave?"

"Nadumihan ang sapatos ko!"

"You are so dead when we get back, Clem."

"I hate this place."

Yan ang mga paulit ulit niyang sinasabi habang iniikot namin ang palengke. Hindi na siya pinatulan ni Ate Clementine dahil nasa palengke lang ang kanyang atensyon.

Di nagtagal ay nakalabas na rin kami. Narinig ko naman ang malakas na pagbuga ng hangin ni Sebastian kaya napairap si Ate Clementine at binatukan siya.

"Ang arte mo! Can you stop your whining and shut up? Ang ingay mo para kang babae." Naiinis na sabi ni Ate Clementine bago sumakay sa jeep.

Sumakay na rin kami ni Benjie. Binuhay na ni Benjie ang makina nang makasakay na si Sebastian.

"I'll shut up if you drive me back to Manila," Sabi naman ni Sebastian. "hey, driver. Ibalik mo ako sa Manila." Tinapik niya naman si Benjie.

"P-Po?" Gulat na sabi ni Benjie.

"Sebastian!" Sigaw ni Ate Clementine sa kanya. "sorry, wag niyo nalang siyang pansinin. Tara, ikutin na natin ang buong bayan." Sabi niya samin.

"Sige po." Sabi ni Benjie bago nagsimulang magmaneho.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now