XLI

2.8K 92 37
                                    

"Nahanap na po namin ang katawan ng bata, Sir. Nasa morge na po." Rinig kong sabi ng Pulis.

Pababa pa ako sa hagdan nang marinig ko ang usapan ng mga Pulis, Mama Lola at Sebastian. Tumigil ako sa pagbaba at nakinig sa kanilang usapan.

I looked miserable. Walang maayos na tulog, lalo na nung isang gabi. Yung gabing nawala sakin ang anak ko.

"Si Valentina Martin?" Rinig kong tanong ni Mama Lola.

"Nasa presinto na po, Donya. Kailangan rin po namin ng isang testigo mula sa inyong pamilya." Sabi nung isang Pulis.

Tuluyan na akong bumaba sa hagdan at lumapit sa kanila na nasa sala lang.

"I'll go." Malamig kong sabi.

"No, we'll go. Dadaan na muna kami sa morge tas didiretso na kami sa presinto." Sabi ni Sebastian.

Suminghap ako at tumango. Wala akong sapat na enerhiya para makipagtalo kay Sebastian. I skipped lunch and dinner yesterday. And right now, I don't have plans in eating breakfast.

Nagpaalam na ang mga Pulis samin at umalis na. Sebastian told them to double their security and make sure that Valentina won't go anywhere. Ramdam ko ang galit sa kanyang tono.

"Mya, iha. Kumain ka na muna ng almusal. Sinabihan ako nina Kat na hindi ka raw kumain buong araw kahapon..." Mahinang sabi ni Mama Lola sakin.

"You didn't eat the whole day yesterday? But you told me--.." Tumigil si Sebastian nang unahan siya ni Mama Lola.

"Ian, sige na. Wag ka nang magalit. Mya's not herself right now. Just be gentle and tell her to eat." Ngumiti ng malungkot sakin si Mama Lola.

Buong araw wala si Sebastian kahapon dahil kasama siya sa paghahanap kay Aly sa dagat. I wanted to come too but he didn't allow me. Panay ang tawag niya sakin para kumustahin ako. I kept on saying that I'm fine but deep inside, I was breaking.

Sebastian sighed before holding my hand. He kissed my forehead. "Come on, let's eat."

"Ayoko..."

"Baby, you need to eat. I don't want to l-lose you too." Nanginginig niyang sabi.

Namumuo nanaman ang aking mga luha sa gilid ng mga mata ko. He stiffened when he saw my tears. Agad niya itong pinunasan gamit ang kanyang daliri.

"I'm s-sorry..." I cried softly.

He hugged me. "I love you, Mya. Stay strong for me, please."

*****

"A-Ayos lang ba kung gusto ko siyang makita?" Tanong ko dun sa staff ng morge bago tumingin sa katawan ng anak ko.

Nakahiga ang kanyang katawang nasa loob ng isang malaking bag na may zipper sa isang metal na higaan. May mga gulong din ito.

"Oo naman po. Lumapit po kayo rito." Sabi niya bago lumapit sa katawan ni Aly.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang unti unting binaba ng staff ang zipper ng bag, revealing my pale and lifeless daughter.

I broke down when I saw her body. Inabot ko siya habang nanginginig ang mga kamay ko. My heart shattered when I touched her cold face.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now