XXVIII

2.4K 99 23
                                    

Kakatapos ko lang magshower, magbibihis na rin ako at matutulog na muna maya maya. Kakauwi ko lang galing sa meeting namin kasama ang mga nagttrabaho sa Alde Apparel Manila. Mamayang gabi na kasi ang alis ko patungong Alaska.

Matapos kong magbihis ay tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Umupo ako at tinuyo ang buhok ko habang nakatingin sa salamin.

Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay tumunog ang cellphone kong nakapatong sa aking kama. Pinatay ko ang blower bago tumayo. Lumapit ako sa kama at pinulot ang cellphone ko.

May tumatawag saking unknown number. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi pero baka importante ito kaya sinagot ko nalang.

"Hello?"

"Hello, Mya? Apo, si Lola Jill mo ito."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "L-Lola Jill, bakit po?"

"Alam mo ba kung nasaan si Sebastian? Hindi kasi siya umuwi mula nung dumating siya dito kagabi sa bahay. He even destroyed his room. Wala rin siya sa condo niya..."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po? Hindi ko po alam kung nasaan si Sebastian. Hindi na po kami nagkita matapos naming..." I choked.

I couldn't say it. How painful.

Lola Jill sighed. "I am truly sad because the two of you broke up. Pero kung ano man ang rason, sana ay hindi kayo magsisisi sa desisyon niyo."

Nagsisisi na po ako, Lola Jill. Ang hirap hirap umaktong normal o ayos lang matapos mong wasakin ang puso ng lalaking mahal mo.

"Sana nga po..." I sighed.

"Sige, Mya. Thank you and I hope you'll be happy always. Mag-iingat ka, Apo." Malambing na sabi ni Lola Jill.

I smiled. "Thank you, Lola Jill. Kayo rin po."

Magiging masaya kaya ako?

*****

"Iha, are you sure that you don't want me to call Jenesis Knight? Ian's Aunt? I'm sure she'll show you around Alaska." Sabi ni Lola nang makababa na kami sa Hiace.

"No, thank you, Tita. I'm sure my assistant can show me around instead." I smiled.

Ayoko na ring muna mapalapit sa mga Lacson. Ayokong malaman ni Sebastian na pupunta ako sa Alaska.

Hindi rin kasi alam ni Lola na wala na kami ni Sebastian. Tanging si Mama at Maximus palang ang nakakaalam. Natatakot kasi akong maiyak sa harapan nina Lola at Lolo. And I don't want them to blame Alde Apparel.

She smiled back. "I'm going to miss you, Apo! Call us always, okay?" She said before hugging me.

Natawa ako bago siya niyakap balik. "Opo, Lola. Don't forget to drink your vitamins, okay? Ikaw rin, Lolo!" I said before hugging Lolo.

Lolo chuckled before kissing my forehead. "I won't, Mya. Take care of yourself there in Alaska, okay?"

"Opo..." Ngumiti ako bago bahagyang lumayo sa kanya. Nilapitan ko sina Mama at Maximus at sabay na niyakap. "I will miss you both."

"Ate, maghihiwalay na tayo...f-for the first time." Nakita kong ngumuso si Maximus para pigilan ang sarili niyang maiyak.

Natawa ako bago pabirong hinampas si Maximus sa braso. "Don't worry, I will visit you if I can. Kapag hindi busy, magbabakasyon ako dito."

"Dalhan mo ng maraming tsokolate to, Myang," Natawa si Mama bago ako hinalikan sa pisngi. "mag-iingat ka, anak. Mahal na mahal ka ni Nanay." She whispered.

Heart of the SeaМесто, где живут истории. Откройте их для себя