V

2.9K 95 20
                                    

Agad akong umatras para makalayo sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo sa ginawa ko.

"P-Pasensiya na talaga, Sir Sebastian! Alam ko pong mali ang ginawa ko pero sana wag niyo po akong sesantihin! Mahal ko po ang trabaho ko sa mansion." Pagmamakaawa ko.

"What? I told you, kakalimutan ko ang lahat nang to kung hahalikan mo ako." Nakangisi niyang sabi.

Uminit ang pisngi ko. "Bakit h-halik po?"

"Bakit, Mya? Ano bang gusto mo?" Mahina niyang sabi bago humakbang palapit sakin.

Habang naglalakad siya palapit sakin ay umaatras naman ako. Nairita siya nang makita niya ang ginagawa ko kaya hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak palapit sa kanya. Nauntog naman ang ulo ko sa matigas niyang dibdib.

Lumayo ako sa kanya pero nanatiling nakahawak si Sebastian sa palapulsuhan ko kaya hindi ako makalayo sa kanya.

"Ang gusto ko po...ay hindi matanggal sa mansion. Kailangan ko rin pong mag-ipon ng pera para sa pamilya ko." Mahina kong sabi.

Tinagilid niya ang kanyang ulo. "You sure you don't want my kiss?"

"Pasensiya na po pero hindi po ako interesado." Sabi ko sabay bawi sa kamay ko at naglakad palayo sa kanya.

*****

"Myang? Anong nangyari?" Tanong ni Benjie nang mapansin niyang tahimik ako.

Nandito kami sa hardin, tumutulong sa pagwawalis ng mga dahon.

"Ah, wala. Pagod lang." Palusot ko.

Nairita lang ako konte kay Sebastian. Isang halik kapalit sa trabaho ko? Nakakainis! Ilang taon na akong naninilbihan dito sa mansion ni Donya Tanyang tas mawawala lang yun kung di ko siya halikan? Hindi pa ba sapat ang paghingi ko ng paumanhin nung inakusahan ko siyang bakla?

Nabastos lang ako. Tsaka pinipilit niya talaga ako sa halik na yon.

Hay, bakit ba ako naiinis ng ganito? May side sakin na iniisip na mashadong mababaw itong rason ko.

"Nako, Benjie! Nagseselos yan kasi palaging si Miss Clementine ang kasama mo." Pang-aasar ni Kat.

Umirap ako kay Kat. "Hindi, ah. Bat ako magseselos eh trabaho naman ni Benjie ang samahan si Ate Clementine palagi?"

Bodyguard at driver na ni Ate Clementine si Benjie. Pansamantala lang naman. Yun ang utos ni Donya Tanyang.

Tumawa si Benjie bago ako inakbayan. "Bespren, wag kang magselos. Ikaw--.."

Sinapak ko siya. "Hindi nga ako nagseselos, kainis to." Tumawa ako.

Humagikgik si Kat. "Ang cute niyo talagang dalawa. Bakit hindi nalang kayo?"

"Si Mya? Cute?" Tumawa si Benjie sabay pitik sa noo ko. "hindi bagay."

"Aba!" Tinulak ko siya pero natatawa pa rin siya. "nako, Benjamin, ginigigil mo ako ah."

Napatingin si Kat sa likuran namin. "Oh, hindi ba mga magulang yan nina Miss Clementine at Sir Sebastian?" Tanong niya sabay nguso sa likuran namin.

Sabay kaming napalingon ni Benjie sa tinitingnan ni Kat. Nakita ko naman ang mga magulang nina Ate Clementine na nakaholding hands habang naglalakad lakad dito sa hardin.

"Sila nga." Sabi ko.

"Ang gwapo at ganda nila. May pinagmanahan nga talaga sina Miss Clementine at Sir Sebastian."

"Maganda yung lahi nila." Sabi ko naman.

"Pero nakakatakot lang yung nanay dahil mukhang strikto." Sabi naman ni Benjie.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now