X

2.9K 108 18
                                    

"I like it in here, it's peaceful." Sabi ni Ate Clementine habang nakaupo sa sofa.

"Yeah." Tipid na sabi ni Sebastian bago umupo sa tapat ni Ate Clementine.

Kakabalik lang namin dito mula sa bahay namin. Nahiya ako habang pinapanuod niya akong mag-impake. Hindi naman niya ako kailangang samahan.

Umalis na rin si Benjie para mangisda kasama si Raul. Sasama nga dapat si Maximus kaso sabi ko samahan niya lang si Nanay sa bahay.

"Mya, dito ka matutulog diba?" Tanong ni Ate Clementine sakin habang abala ako sa pagliligpit ng mga gamit sa kusina.

"Opo." Sabi ko.

"There are only two rooms here...I offered to share a room with you but Ian didn't agree," Sumulyap siya sa kanyang kakambal habang nakataas ang isang kilay. "is it okay with you to share a room with him?"

Nakalimutan kong dalawa lang pala ang kwarto dito! At bakit naman hindi pumayag si Sebastian na iisang kwarto kami ni Ate Clementine?

"P-Po?" Gulat kong sabi. "nako! Sa sofa nalang ako matutulog, ayos lang." Ngumiti ako.

Nabigla ako nang biglang tumayo si Sebastian. "No, you're sleeping with me," Sabi niya bago nilapitan ang bag ko. "ilalagay ko na to sa kwarto natin."

"Huy!" Pero bago ko siya mapigilan ay nakapasok na siya sa kwarto niya at nilock ang pinto.

Napatingin naman ako kay Ate Clementine na nakaupo pa rin sa sofa. Nakangisi siya sakin at mukhang nang-aasar.

"What's the real score between you and my brother?" Nang-aasar niyang tanong.

"W-Wala po! Magkaibigan lang po kami..." Mahina kong sabi.

"Really? Mukhang crush ka ata ng kapatid ko." Tumawa siya ng mahina.

"Hala, hindi po!" Tanggi ko. "impossible namang magkagusto yun sa isang tulad ko..." Bulong ko sa sarili ko.

"Sorry, what was that?" Tanong niya sakin dahil di niya narinig ang sinabi ko.

"Wala po," I smiled. "gusto niyo po bang maghanda ako ng makakain?"

"Later. Let's go swim!" Nakangiti niyang sabi.

Sakto namang lumabas si Sebastian mula sa kanyang kwarto. Tinaasan niya ng kilay ang kanyang kapatid.

"Why are you smiling? It's creepy, stop it." Sabi ni Sebastian.

Umirap si Ate Clementine. "I want to go for a swim," Tumingin siya sakin. "Mya, samahan mo ako! Langoy tayo."

"Wala po akong pangligo..." Sabi ko.

"Don't worry! May extra bikini ako, do you want to bo--.."

"No!" Biglang sabi ni Sebastian kaya napatingin kaming falawa sa kanya. "wear my shirt instead, Mya."

"Why? Let her wear my bikini!" Sigaw ni Ate Clementine.

"Shut up, Clementine! She'll wear my shirt!" Sigaw balik ni Sebastian.

"You're so baduy! Mya has a nice figure, sure akong bagay sa kanya ang mga bikini ko." She winked at me.

"I don't care if I'm baduy! She'll not wear your bikini and that's final." Mariin na sabi ni Sebastian.

"Woah there, ang oa mo! Bat ganyan ka makareact? Shut up because you're not her boyfriend!" Gigil na sabi ni Ate Clementine sa kanya.

"I'm her boss." Malamig na sabi ni Sebastian.

"I'm her boss too!" Sagot ni Ate Clementine sabay halukipkip.

"Di nalang po ako lalangoy." Nahihiya kong sabi para matigil sila sa pagtatalo.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now