XXXV

2.8K 106 36
                                    

"Wag niyo nalang pong sasabihin kung saan ako pupunta. Please." I told my Mother.

She sighed while watching me pack my clothes. "Bago lang ako nagkaayos, maghihiwalay nanaman kayo?"

"Hindi ko alam kung hiwalay na ba kami, Ma. Basta I just need space. I need to think." I said before closing my bag.

"Tuloy pa rin ba ang kasal, anak?" She held my hand.

I faced her. Tears were starting to form in my eyes. "I love him so much, Ma. But he has a kid with Valentina. Dapat sila ang magsama..."

"Just because they have a child, it doesn't mean that they have to be together. Ikaw ang mahal ni Ian, hindi si Valentina Martin." Mariin niyang sabi.

"Feel ko ako yung kabit dito eh," Natatawa kong sabi bago pinunasan ang mga luha kong tumulo. "para ako yung naninira."

"Ano ka ba, Mya Charlotte? Si Valentina yung naninira! Hindi ikaw!" Sabi ni Mama.

I sighed. "Ewan ko na, Ma. Basta aalis na muna ako," Sabi ko bago inayos ang bag ko. "aalis na po ako, magbubus lang ako. Baka gabihin ako."

"Sigurado ka bang magbubus ka lang? Ayaw mo bang magpahatid?" She asked.

"Wag na, Ma. Magbubus na po ako." Sabi ko.

Niyakap ako ng mahigpit ni Mama. "Anak, sana hindi ka magsisisi sa mga desisyon mo, ha? I want you to be happy."

"Opo, Ma. I will," I said before releasing her. "mag-iingat po kayo. Tatawag lang ako." I said and she nodded.

She kissed my forehead before I left.

*****

"Nakakagulat naman ang biglaan mong pagbisita dito, Myang! San ka ba tumutuloy?" Tanong ni Maimai sakin.

"Sa dati naming bahay." Sabi ko.

"Kumain ka na ba ng hapunan?" Tanong naman ni Lengleng.

"Oo, kumain ako nung nag stopover kami," Sabi ko bago uminom ng tubig. "gising pa kaya si Donya Tanyang?"

"Gising pa, kausap niya ata sa telepono yung apo niyang nasa Alaska eh." Sagot ni Kat.

I had a mini heart attack. She's probably talking to Tita Jenesis. Impossibleng si Sebastian yun dahil nasa Manila siya.

"Oh, sige. Aakyat na muna ako, kailangan ko siyang makausap." Paalam ko sa kanila at nagsitanguan naman sila.

Nang makaakyat ako ay dumiretso ako sa kwarto ni Donya Tanyang. Nakabukas ng konte ang kanyang pinto kaya naririnig ko ang kanyang boses.

"...yes, Jenesis apo. You should really visit Dimasalang. The kids will love the sea here!" Excited na sabi ni Donya Tanyang.

Huminga ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses sa kanyang pinto bago tuluyang pumasok. Lumingon si Donya Tanyang sakin at nanlaki ang mga mata.

"Apo, can I call you back? Someone is here to see me...okay, Jen...love you too." She said before ending the call.

"Good evening po, Donya." Ngumiti ako bago nagmano sa kanya.

"Myang! What a surprise, kailan lang kayo dumating?" Gulat niyang tanong.

"Actually, mag-isa lang po akong pumunta rito. Ngayon ngayon lang dito po ako nakarating." Sabi ko.

"Mag-isa ka lang? Hindi ba ikakasal na kayo ni Ian? Bakit hindi kayo magkasama?" Kunot noo niyang tanong.

Kinagat ko ang labi ko bago yumuko. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para magtama ang mga mata namin.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now